Connect with us

Uncategorized

Silipin ang Mala-Prinsesang Kagandahan ni Andrea Brillantea sa Pagdiriwang ng kanyang 18th Birthday

Ang pagdiriwang ng 18th birthday ay napakaespeyal para sa mga kababaihan. Dahil ito nga ay isang simbolo na sila ay ganap ng dalaga. Isang yugto ng buhay na talagang napakahalaga at dapat ipagpasalamat bilang isang biyaya.




Kaya naman, ang mga sikat na personalidad sa showbiz, ay talagang pinaghahandaan ang pagsapit ng kanilang 18th birthday sa kanilang buhay upang maging memorable ang pagdiriwang ng espesyal na araw na ito. Katulad na lamang nga ng teenstar na si Andrea Brillantes na noong nakaraang Marso 12, ay masayang nagdiwang ng kanyang 18th birthday sa isang engrandeng birthday party na naganap sa Palacio De Memoria Paranaque sa Manila.

Photo Credits: Facebook.com | Metro Magazine

Tila nga napakabilis ng paglipas ng panahon, dahil ang batang gumanap sa Annaliza noon at ang kontrabidang si Marga sa Kadenang Ginto, ngayon nga ay isa nang ganap na dalaga.

Sa pagdiriwang 18th birthday ni Andrea, ay hindi naman maikakaila ang mala-prinsesa niyang kagandahan sa suot na kulay pulang gown. At siyempre, ang isang prinsesa na tulad niya, ay kailangan ng isang prinsipe sa tabi niya. Ito nga ang kanyang on-screen love team na si Seth Fedelin bilang kanyang escort sa kanyang debut party.

Photo Credits: Facebook.com | Metro Magazine

Sa mga larawang ibinahagi ng Nice Print Photography sa kanilang Instagram page, makikita na talagang napakaganda ni Andrea, at talagang blooming ang dalaga. Makikita naman na masayang-masaya sina Andrea at Seth habang sweet na sumasayaw.

Photo Credits: Facebook.com | Metro Magazine

Samantala, naging bahagi rin ang Metro Magazine ng 18th birthday celebration ni Andrea. Ito nga ay dahil tampok si Andrea sa kanilang magazine bilang kanilang modelo. Ipinasilip ng Metro Magazine ang mga larawan na kuha sa birthday photoshoot ng aktres, kung saan ay tampok rin ang mga naggagandahang gown ng mga mahuhusay na fashion designer.




Ilan nga sa mga sikat at kilalang fashion designer na gumawa ng kahanga-hangang gown ni Andrea ay sina Michael Leyva, Mak Tumang, Francis Libiran, Mark Bumgarner, Vania Romoff, Patty Ang, Joe San Antonio, Debbie Co, Patricia Santos, Steph Tan, at Erika dela Cruz. Kabilang rin ang napakagandang gawang gown mula sa H&M x Simone Rocha collection.

Photo Credits: Facebook.com | Metro Magazine

Photo Credits: Facebook.com | Metro Magazine

Ngayon nga, na isa nang ganap na dalaga si Andrea, ay nangangahulugan nga nito ng pagbukas ng panibagong pahina sa kanyang buhay. At ngayon pa lang nga ay bumubuhos na ang proyekto sa kanyang karera sa panibagong ABS-CBN teleserye na kanyang gagampanan na “Huwag Kang Mangamba”.




Photo Credits: Facebook.com | Metro Magazine

Tiyak na mas lalo pang papabilibin ni Andrea ang kanyang mga tagahanga sa angking husay niya sa pag-arte at kanyang talento ngayong isa na siyang ganap na dalaga.

error: Content is protected !!