Connect with us

Entertainment

Silipin ang Mala-prinsesang Kagandahan ng Aktres na si Barbie Imperial sa Kanyang Fairytale-Inspired Birthday Photoshoot

Ang pagdiriwang ng ating kaarawan o araw ng ating pagsilang ay isang beses sa isang taon lamang maganap. Kaya naman, talagang pinaghahandaan natin ang espesyal na araw na ito bilang pasasalamat sa panibagong taon na ipinagkaloob sa atin.

Credit: Labellefete | Instagram

Katulad na lamang nga ng Kapamilya star na si Barbie Imperial na para ipagdiwang ang kanyang ika-23rd birthday ay nagkaroon pa ng iba’t ibang concept ng birthday photoshoot.

Nito lamang ika-1 ng Agosto nang ipinagdiwang ni Barbie ang kanyang espesyal na araw ng kapanganakan. At ngayong 23 taong gulang na aktres ay natupad niya ang kanyang childhood dream, ang magmistulang prinsesa ng kagandahan sa kanyang fairytale-inspired birthday photoshoot.

Credit: Myrrhlaoto | Instagram

Sa Instagram, nito lamang ika-30 ng Hulyo nang ibahagi ni Barbie ang kanyang napakagandang larawan. Sa nasabing larawan ay masisilayan ang napakagandang aktres na napapalibutan ng naggagandahang bulaklak na animo’y isang diwata sa gitna ng paraiso.

Nilakipan naman ito ng aktres ng caption na puno ng inspirasyon na nagsasaad ng:

“Fantasy offers possibilities and sparks the imagination. At a young age, I was fueled by tales of the power of dreams. It coalesced with the beautiful reality inculcated in me—that dreams will remain dreams if you don’t work hard for them. I am a dreamer, but I am also a doer.”

Credit: Labellefete | Instagram

Dagdag naman ni Barbie, ang kanyang mundo na puno ng pantasya at imahinasyon ay nagawa niyang maging tunay at totoong mundo, isang mundo na puno ng buhay.

“In my fairytale fantasies and magical dreams, I wear a whimsical ensemble that sparkles with hope. I paint a world where visions turn into reality and imagination becomes life.”

Sa nasabing post rin ay pinasalamatan ni Barbie ang kanyang creative team. Sila ang mga taong tumulong at naging instrumento para maisakatuparan ng aktres ang kanyang inaasam na birthday fairytale inspired photoshoot.

Credit: Maraxchua | Instagram

“Sending my love to all the people who helped me flourish. My endless gratitude to this team.”

Samantala, ibinahagi rin sa Instagram ng stylist ni Barbie sa kanyang photoshoot na si Myrrh Lao To ang ilang larawan kung saan sa caption ng post nito, ay ipinaliwanag ang concept ng photoshoot na fantasy concept.

“msbarbieimperial is a young lady who lives in a world of fantasy where anything can happen and loves to traverse those possibilities with her magical imagination. She’s the epitome of free-spiritedness, and her life has blossomed into a charming work of art. This set encapsulates her transformation from one soft-spoken lass who speaks directly to your heart to a classy artist with her talent at the forefront of everything.”

Credit: mc.king.tosh | Instagram

Matatandaan naman na sa pagbungad ng taong 2021, ay isinapubliko ni Barbie ang kanyang makulay na buhay pag-ibig sa piling ng kanyang boyfriend na si Diego Loyzaga. At ngayon nga, ay hindi maikakaila na masayang-masaya ang dalawa sa kanilang relasyon at kitang-kita naman ito sa kanilang mga sweet photos na ibinabahagi sa social media.

error: Content is protected !!