Connect with us

Entertainment

Silipin ang Mala-Dyosang Kagandahan ni Sheena Halili sa Kanyang Maternity Photoshoot Para sa Kanyang Panganay na Anak

Ang napakagandang aktres na si Sheena Halili ay nagsimulang makilala sa industriya ng showbiz matapos maging kalahok sa reality talent show ng GMA Network na StarStruck. Sa kanyang paglabas sa telebisyon ay sadyang napakaganda ng aktres sa taglay na maamo at mala-dyosang kagandahan. Hindi naman maikakaila ang ipinamalas niyang talento sa pag-arte sa kanyang mga proyekto dahilan upang maging matagumpay ang karera niya sa showbiz.
Samantala, makulay rin ang buhay pag-ibig ni Sheena, dahil ang hinahangad na tunay at wagas na pag-ibig ay natagpuan niya sa kanyang asawa na ngayon na si Jeron Manzareno, isang lawyer.




At ang kanilang pagmamahalan ay nauwi sa pag-iisang dibdib noong Pebrero 23 na ginanap sa Blue Leaf Events Place sa Quezon City.

Agad namang biniyayaan ang kanilang pagsasama, at matapos lamang nga ang apat na buwan ng kanilang pag-iisang dibdib, ay masayang inanunsyo ni Sheena noong Hunyo ang kanyang pagdadalantao sa panganay na anak nila ng asawang si Jeron. Ito ay sa pamamagitan ng isang Instagram post kung saan makikita ang kanyang baby bump na noon ay nasa 13 weeks na.

Photo credits: Sheena Halili | Instagram

Matapos naman ang isang buwan, ay isa namang gender reveal party ang ginawa ng mag-asawa na masaya naman nilang ibinahagi sa publiko. At ang lahat nga ay talagang excited matapos malaman na isang baby girl ang dinadala ni Sheena sa kanyang sinapupunan, na panganay nila ng kanyang asawang si Jeron.

At kamakailan nga, ay isa namang maternity photoshoot ang isinagawa ni Sheena bilang paghahanda sa paglabas ng kanilang baby girl.

Photo credits: Sheena Halili | Instagram

Sa Instagram, ay masayang ibinahagi ni Sheena ang mga naggagandang kuha ng larawan na isinakatuparan ng Nice Print Photography. Makikita nga na kahit malaki na ang ipinagbubuntis ni Sheena, ay nagmistulang isang dyosa ng kagandahan ang aktres habang napapalibutan ng mga bulaklak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Niceprintphoto (@niceprintphoto) on

Makikita rin na bagay na bagay kay Sheena ang suot nitong dress na may napakaganda at eleganteng disenyo kung saan nakalitaw ang kanyang tiyan. Tila nga isang dyosa ang aktres, na ipinapakita ang taglay niyang kagandahan sa harap ng camera.




 

View this post on Instagram

 

A post shared by Niceprintphoto (@niceprintphoto) on

Samantala, nilakipan naman ng aktres ang kanyang post ng isang mensahe kung saan mababakas ang pagkasabik sa nalalapit na paglabas ng kanilang panganay na anak.

“No better feeling than to know that life is growing inside me.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sheena Yvette Halili-Manzanero (@mysheenahalili) on

Hindi maikakaila na masayang-masaya ang mag-asawang Sheena at Jeron sa biyayang ipinagkaloob sa kanila. At maikling panahon na lamang nga ang kanilang hihintayin, ay masisilayan na nila ang kanilang panganay na anak.

error: Content is protected !!