Connect with us

Entertainment

Silipin ang Mala-Dyosang Kagandahan ni Andrea Brillantes sa kanyang Pre-Debut Photoshoot na “Birth of Venus” Inspired

Ang teen star na si Andrea Brillantes ay isa sa pinakasikat na aktres ng kanyang henerasyon sa industriya ng showbiz. Sa dami nga ng kanyang mga tagahanga, ay hindi nawawala ang libo-libo niyang tagasuporta lalo na sa mga espesyal na kaganapan ng buhay niya.




At isa nga talagang inaabangan ng kanyang mga tagahanga, ay ang nalalapit na pagdiriwang ng kanyang 18th birthday. Kamakailan nga, ay ibinahagi ni Andrea o kilala rin sa tawag na Blythe, ang kanyang pasabog bilang paghahanda sa kanyang kaarawan.

At sa milestone ng buhay na ito ng teen star, ay pinamangha niya ang kanyang mga tagahanga sa kanyang mala-dyosang kagandahan sa kanyang pre-debut photoshoot na “Birth of Venus” inspired.

Photo credits: Andrea Brillantes | IG

Hindi naman talaga maikakaila na talagang taglay ni Andrea ang angking ganda ng “Goddess of Beauty” na si Venus. Sa Instagram nito lamang ika-21 ng Pebrero, araw ng Linggo, ay ibinahagi ni Andrea ang kanyang napakagandang larawan na hango sa Renaissance painting na “Birth of Venus” na obra ni Sandro Botticelli.

Sa nalalapit na kaarawan ni Andrea sa ika-12 ng Marso, ngayon pa lang nga ay talagang pinaghandaan na niya ang yugto ng kanyang buhay, bilang isang ganap na dalaga.

Makikita sa larawan na sadyang napakaganda ng aktres sa suot na pearly tube top at long skirt na disenyo ni Michael Leyva. Mas lalo namang pinaganda ang Kadenang Ginto star ng kanyang mahabang kulay pula na buhok. At bilang Venus, ay bumagay sa kanya ang suot habang nakapose sa harap ng camera, na binagayan rin ng background kung saan makikita ang napakalaking shell.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)

Samantala, ang napakagandang “Goddess of Beauty” na binigyang buhay ni Andrea, ay pinalutang at naisakatuparan ng mahusay na photographer na si Charisma Lico na talagang nailabas ang vibe ng classical painting.




Matatandaan naman na noong nakaraang taon, kung saan ipinagdiwang ni Andrea ang kanyang ika-17th birthday ay isa namang retro-themed shoot ang napiling tema ng aktres. At sa nasabing okasyon, ay todo-bigay ang paghataw ni Andrea sa mga pinausong kanta na mula dekada 60’s at 70’s.

Photo credits: Andrea Brillantes | IG

Talaga nga namang pinatunayan ni Andrea, na kahit anumang tema ang kanyang piliin para sa kanyang kaarawan, ay sadyang babagay sa kanya. At ngayon nga, na nalalapit na siyang maging ganap na dalaga, tiyak na mas lalo pang maipapamalas ni Andrea ang kanyang natatanging kagandahan.

error: Content is protected !!