Connect with us

Entertainment

Silipin ang Mala-Condominium na Kwarto ni Jimuel Pacquiao sa kanyang Latest Upload na Video sa kanyang Vlog

Ang pamilya ng mag-asawang Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao ay isa nga sa kinikilalang pinakayaman sa bansa. Kaya naman, hindi na nakapagtataka kung nakatira sila sa isang bahay na napakaganda at napakalaki.

Ang tagumpay nga ni Manny sa larangan ng boksing ang nagdala sa kanya para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya. At ang marangyang buhay ay tinatamasa rin ng kanyang mga anak ngayon.

Napakapalad nga sa lahat ng bagay ng limang anak nina Manny at Jinkee na sina Emmanuel Jr. (Jimuel), Michael Stephen, Mary Divine Grace (Princess), Queen Elizabeth (Queenie) at Israel. At kamakailan lamang nga, ay ipinasilip ng panganay na anak nina Manny at Jinkee na si Jimuel ang kanyang napakaganda at maaliwalas na kwarto na maihahalintulad ang ganda ng isang condo.

Pagpasok pa lang nga sa loob ng silid ni Jimuel ay agad na bubungad ang malawak nitong espasyo. Hindi lamang nga maituturing na isang silid tulugan ang kwarto ni Jimuel dahil masisilayan rito ang kompletong mga kagamitan na tila nga nasa loob ng condo.

Photo credits: Jimuel Pacquiao | Youtube

Photo credits: Jimuel Pacquiao | Youtube

Photo credits: Jimuel Pacquiao | Youtube

Dahil nga, ang hanap talaga ni Jimuel ay magpahinga at mag-enjoy habang nasa loob ng kanyang silid, kung kaya’t makikita rito ang isang gaming set na may kasama pang X Box pati na rin personal computer.

Photo credits: Jimuel Pacquiao | Youtube

Sa loob rin ng kanyang kwarto ay matatagpuan ang kanyang sa sariling walk-in closet kung saan nakatago ang kanyang napakaraming kagamitan at damit. Isa naman sa agaw pansin sa walk-in closet ni Jimuel ay ang kanyang kahanga-hangang koleksyon ng mga sapatos na talaga namang mamahalin at magara ang dating.

Photo credits: Jimuel Pacquiao | Youtube

Photo credits: Jimuel Pacquiao | Youtube

Samantala, ipinagmalaki naman ni Jimuel ang mga tropeyo at medalya na kanyang natanggap mula sa kanyang mga amateur matches. Ipinakita rin ni Jimuel ang kanyang paboritong unan na regalo sa kanya ng kanyang ina na si Jinkee na kanyang itinago.

Matapos namang masilayan ng netizens ang ganda ng silid ni Jimuel, ay umani ito ng positibo at puno ng paghangang komento. Karamihan nga sa mga ito ay nagsabi na isang tunay na rich kid si Jimuel dahil sa mga kahanga-hangang bagay na makikita sa loob ng kanyang silid.

“RK shows what he’ve got inside his fancy room. I am happy for him but never got insecured. They deserve it for his dad been through a lot and worked a lot to get what where they are now.”

“OMG. This is what you called RICH KID. Super humble niya pogi pa ng batang ito. Blue this if you agree. Small youtuber here.”

error: Content is protected !!