Connect with us

Entertainment

Silipin ang Makulay at Masayang Pagdiriwang ng Ika-1 Taong Karawan ng Baby Aya ng Celebrity Couple na sina Sam Pinto at Anthony Semerad

Panibagong milestone ng kanilang anak ang ipinagdiwang at ibinahagi ng mag-asawang Sam Pinto at Anthony Semerad, at ito ay ang ika-1 taong kaarawan ni Baby Aya na ipinagdiwang nila nito lamang nakaraang weekend na may temang Boho rainbow.

Ipinasilip ni Sam sa kanyang Instagram account ang ilang mga larawan at video na kuha sa naging masaya at makulay na birthday celebration ng kanyang anak na ginanap sa isang napakagandang events place na matatagpuan sa Taguig City.

Kalakip ng mga larawang ibinahagi ni Sam ay ang puno ng pagmamahal niyang mensahe ng pagbati para sa kanyang pinakamamahal na baby girl.

“Happy first birthday to my heart! Evvery day you continue to amaze me. You are the most wonderful blessing we ever had. I know the future only holds the best for you. We love you with all our hearts”, saad ni Sam sa kanyang caption.

Makikita naman sa mga larawan na ibinahagi ni Sam kung gaano naging makulay ang 1-taong gulang na kaarawan ng anak niyang si Baby Aya. Sa mga dekorasyon pa lamang sa mismong lugar na pinagdausan ng nasabing okasyon ay talagang masisilayan na ang pagiging makulay nito mula sa mga lobo at boho rainbow na dekorasyon.

Masisilayan din na maliban sa mga pagkaing inihanda para sa mga bisita ay mayroong tila play area para sa mga bisitang bata, kaya naman panigurado na nag-enjoy ang lahat ng mga dumalo sa kaarawan ni Baby Aya.

Tunay ring napaka-cute ng celebrant na si Baby Aya sa kanyang kasuotan na pink dress, at kamangha-mangha rin ang kanyang 3-layer boho rainbow theme birthday cake.

Nagpaabot naman si Sam ng pasasalamat para sa lahat ng dumalo sa kaarawan ng kanyang anak na nakisaya sa kanilang pamilya.

“Thank you everyone who came, greeted, enjoyed! We appreciate every single one of you! Might not have a photo with some of you guys but do know that your presence was all we needed”, ani Sam.

Samantala, bago pa man ang mismong araw ng selebrasyon ng kaarawan ng anak niyang si Baby Aya, ay nauna ng nagbahagi si Sam sa kanyang Instagram ng mensahe niya para sa anak na tinuturing niyang ang kanyang ‘little mermaid’.

“Happy first birthday my little mermaid!… You are just one but you already stole the heart of every person you met (and haven’t met hehe) You showed me a different level of love that I never knew existed. We love you with all our hearts, literally”, pagbabahagi ni Sam.

Matatandaan na sina Sam Pinto at Anthony Semerad ay ikinasal noong buwan ng Marso taong 2021 sa Pasay sa isang simpleng civil wedding ceremony. Ilang buwan lamang naman matapos ang kanilang naging pag-iisang dibdib ay masayang inanunsyo ng mag-asawa sa publiko na sila ay magkakaroon na ng anak.

Si Baby Aya ang panganay na anak nina Sam at Anthony, na isinilang noong ika-1 ng Setyembre taong 2021.

error: Content is protected !!