Silipin Ang Magarbong Hacienda At Penthouse Ni Assunta De Rossi

Marami sa atin ang naghahangad makapagpatayo ng pinapangarap nating bahay kung saan dito tayo bubuo ng mga masasayang ala-ala kasama ang ating mga mahal sa buhay.

Ang bahay ay isang mahalagang bagay sa mundo na maraming naghahangad lalo na kung ito ay nagmula sa pinagpaguran at pagsisikap. Ngunit paano pa kaya kung bukod sa isang magandang bahay ay makapagpundar karin ng malawak na lupain na matatawag mong hacienda? Hindi biro ang magkaroon ng isang malawak na hacienda lalo’t alam natin kung gaano kamahal ang halaga ng lupa ngayon.



Photo Credit: Assunta De Rossi Instagram

Marami rin sa mga sikat na artista ang naghahangad makapundar ng magandang bahay.Kagaya na lamang ng isang kilala at matagumpay na aktres sa industriya ng showbiz na si Assunta De Rossi na nakapagpundar ng isang magarbong hacienda at magandang bahay.

Photo Credit: Assunta De Rossi Instagram
Photo Credit: Assunta De Rossi Instagram

Si Assunta De Rossi ay isang 36 taong gulang na “Filipina-Italian Actress” na kilala at may angking talento sa pag-arte kung saan nakatanggap siya ng parangal bilang Best Actress sa Metro Manila Film Festival.

Mayroon rin siyang isang kapatid na babae na si Allesandra De Rossi na isa ring mahusay na aktres at nakatanggap rin ng nasabing parangal. Ang kanyang asawa naman na si Jules Ledesma ay kilala sa larangan ng politika.

Photo Credit: Assunta De Rossi Instagram
Photo Credit: Assunta De Rossi Instagram
Photo Credit: Assunta De Rossi Instagram

Kamakailan nga ay ibinahagi ng matagumpay na aktres sa publiko ang mga larawan ng kanyang magarbong hacienda at maging ng kanyang magandang bahay na lumikha ng ingay sa social media at nagdulot ng iba’t ibang reaksyon sa mga netizens.

Ang kilalang aktres kasama ang kanyang asawa na si Jules Ledesma at ang mga anak nito na sina Cristina at Julio Carlos ay nagdiwang ng Pasko sa kanilang magarbong Hacienda Euzkara na matatagpuan sa San Carlos City, Negros Occidental.



Dito nila sinalubong ang Noche Buena kung saan nagkaroon ng masaya at simpleng Pinoy-style salu-salo. Ang nasabing hacienda ay may nakakalulang lawak kung saan sumasakop ito ng mahigit “28 square kilometers” na kasing lawak umano ng Makati City, ayon sa ilang ulat.

Photo Credit: Assunta De Rossi Instagram

Samantalang sa penthouse naman na matatagpuan sa Bonifacio Global City nila ipinagdiwang ang bagong taon. Talaga namang namangha at hinahangaan ng mga netizens ang napakalawak na lupain ng kanyang hacienda, maging ang kanyang penthouse ay lubos ring hinangaan. Ang kanyang penthouse ay may eleganteng disenyo na mas lalong nagbigay ganda at kulay sa kanyang tahanan lalo na ang living at dining area.

Makikita rin sa kanilang dalawang mahabang mesa na may walong upuan ang mga magagandang bulaklak. Kapansin-pansin rin ang mga malikhaing obra sa sining ng mga pintor na sina Vicente Manansala, Romeo Tabuena at Mario de Rivera na nakasabit sa dingding ng kanyang tahanan.

Photo Credit: Assunta De Rossi Instagram



Taong 2018 nang lumipat mula Makati City ang mag-asawang Jules at Assunta sa Bonifacio Global City. Talaga nga namang hinangaan ng kanyang mga kaibigan, pamilya at mga tagasuporta ang taglay na ganda ng kanyang tahanan,maging ang lawak ng kanyang hacienda.