Connect with us

Entertainment

Silipin ang Larawan ng Aktor na si Mon Confiado Kasama Ang Napakagandang Holliwood Actress na si Olivia Hultgren

Talaga namang kahanga-hanga ang husay ng mga Pinoy sa anumang larangan, kung saan ay maipagmamalaki sa buong mundo. Ilan nga sa mga sikat na artista, ay hindi lamang sa ating bansa ipinapamalas ang kanilang kakayahan sa pag-arte kundi pang international na rin.

Katulad na lamang nga ng Filipino actor na si Mon Confiado na talaga namang proud na proud na mapabilang sa mga international movies.




Si Mon Confiado ay mas lalong nakilala sa kanyang mahusay na pagganap sa mga historical films na “Heneral Luna” at ang “Goyo:Ang Batang Heneral” kung saan ginampanan niya ang karakter ni Emilio Aguinaldo.

Maliban naman sa kanyang husay sa pag-arte, isang karangalan rin ang makasama sa mga international movies ang mga Hollywood stars. Katulad na lamang nga ng napakagandang American actress na si Olivia Hultgren na nakasama niya sa pelikulang “Stateside”. Sa nasabing pelikula ay gumanap si Mon ng karakter kung saan ay natagpuan niya ang pag-ibig, sa katauhan naman na ginampanan ni Olivia Hultgren.

Talagang ipinakita ni Mon ang kanyang husay sa pag-arte, samahan pa nga ito ng magandang tambalan nila ni Olivia na hindi lamang napakaganda ng mukha, at may magandang kulay asul na mata kundi pati na rin ng husay nito sa pag-arte ay kahanga-hanga rin.

At kamakailan lamang nga, ay proud na ibinahagi ni Mon Confiado sa social media ang ilang larawan kasama ang napakagandang Hollywood actress na si Olivia Hultgren. Ang nasabing larawan, ay nilakipan naman ni Mon ng caption na:

“The very pretty and very professional leading lady of our film “STATESIDE” 🇱🇷, Hollywood Actress Olivia Hultgren.”

Maliban naman sa pelikulang Stateside ng U.S noong taong 2017, ay napabilang rin ang mahusay na aktor sa Korean film na “The Golden Holiday”, kung saan ay pinaghahandaan na ng aktor ang magiging paglabas nito.

Samantala, ngayon naman ay abala si Mon sa kanyang upcoming international American movie na “Turncoat”. Pagbabahagi ni Mon, sa nasabing pelikula ay isang Italian actress ang kanyang makakasama na si Annaluisa Capasa. Isa namang Filipino-American indie filmmaker ang direktor ng pelikula na si Marcial Chavez.




Nagbigay naman ng kunting patikim sa istorya ng pelikula si Mon. Ayon nga sa aktor, ay tungkol umano ito sa isang mild-mannered man na tahimik at masayang naninirahan sa L.A kasama ang kanyang italyanang misis, ngunit bigla na lamang may dumating na mga misteryosong tao kung saan sinabi na, isa siyang dating hitman na naka base sa Manila.

Ayon pa nga sa sypnosis na ibinahagi ni Mon,“Is this a case of mistaken identity or he has a history no one knows about? He must confront his violent past.”

Mukhang napaka-exciting nga ng takbo ng istorya ng international movie na muling pagbibidahan ni Mon. Sa mga larawan ngang ipinasilip ni Mon kung saan ay nagwe-welding siya ng baril, ay makikita na agad ang intense ng bawat eksena.

Bagama’t hindi nagbigay ng eksaktong detalye si Mon kung kailan ipapalabas ang naturang pelikula, ay tiyak na marami na sa kanyang mga tagahanga ang nakaabang upang masaksihan ang kanyang husay sa nasabing action film.

error: Content is protected !!