Connect with us

Stories

Silipin ang Kaunaunahang Magazine Cover nina Matteo at Sarah Guidicelli Bilang Mag-asawa

Makalipas nga ang dalawang taon mula noong kontrobersyal na kasalan ng singer na si Sarah Geronimo at aktor na si Matteo Guidicelli, ngayon ay naging cover na ang mag-asawa ng isang magazine.

Noong mga nakaraang taon din ay naging tahimik at pribado ang buhay ng dalawa ngunit ngayon ay unti-unti na ang kanilang pagbabalik sa kani-kanilang mga trabaho. Isa na nga rito ay ang kanilang naging photoshoot para sa cover ng kilalang magazine sa bansa na, Tatler Philippines. Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon kung saan magkasamang magiging cover ng magazine ang dalawa.

Sa isang Instagram post na ibinahagi ng kilalang stylist na si Liz Uy, ipinakita niya ang ilang litrato mula sa photoshoot. Si Liz ang nagsilbing stylist ng mag-asawa para sa photoshoot na ito. Makikita naman sa kaniyang mga litrato ang naging proseso rito.

Photo credits: Liz Uy | Instagram

Photo credits: Liz Uy | Instagram

Photo credits: Liz Uy | Instagram

Mapapansin ang iba’t ibang naggagandahang outdoor venue para sa nature-themed shoot. Agaw-pansin din ang napakagandang kasuotan ng dalawa. Bagamat ito ang unang pagkakataon na magkakasama ang dalawa sa isang photoshoot, hindi pa rin maipagkakaila ang kasiyahan, pagiging komportable, at higit sa lahat, ang pagiging propesyonal ng dalawa.

Photo credits: Liz Uy | matteog

Para naman sa resulta ng photoshoot na gagamitin para sa magazine cover, ibinahagi ng photographer na si Mark Nicdao sa Instagram ang ilang litrato. Makikita dito ang kanilang solo pictures gayundin ang mga litrato kung saan magkasama ang dalawa suot-suot ang kanilang eleganteng outfits. Kahanga-hanga rin ang ilang litrato kung saan nakasakay sa kabayo ang dalawa.

Hindi naman nakalimutan ni Matteo na pasalamatan ang mga tao sa likod ng photoshoot na ito. Ayon sa kaniyang Instagram post, “To this team that made the TATLER Cover come to life, thank you. Actually took us 2 years to finally shoot this beautiful cover with TATLER. Let’s keep loving and protecting our beautiful land!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mark Nicdao (@markednicdao)

 

Hindi naman maiwasan ng mga netizens at fans ng dalawa na humanga sa naging resulta ng kanilang photoshoot. Binati sila ng ilang netizens sa napakagandang cover at iba pang litrato sa magazine na ito. Ayon naman sa isang netizen,

“You and Sarah look super good looking in your photos! Love them so much!”

Sang-ayon din ang ilang sikat na personalidad sa ganda ng naging resulta ng photoshoot.

error: Content is protected !!