Connect with us

Entertainment

Silipin ang Kasweetan at Masayang Adventure Ng Celebrity Couple na sina Xian Lim at Kim Chiu sa Punta Fuego na Matatagpuan sa Batangas

Hindi pa naman talaga huli ang lahat para maenjoy ang summer sa nagagandang beach sa ating bansa. Kaya naman, ang isa sa hinahangaang celebrity couple sa industriya ng showbiz na sina Kim Chiu at Xian Lim, ay humabol pa sa kanilang bakasyon para magrelaks at unwind sa Batangas.

Isa namang masayang adventure ang hatid ng makasintahang sina Kim at Xian sa vlog ng huli na pinamagatang “Exploring Punta Fuego With Kim”.

Sa unang bahagi ng video ay sinundo ni Xian ang kanyang nobya sa trabaho nito sa It’s Showtime. Sa byahe pa lang ay kapansin-pansin na ang kasweetan ng magkasintahan. Ang kanilang destinasyon para sa kanilang masayang getaway ay sa Punta Fuego, Nasugbu, Batangas.

Dahil nga sa haba ng byahe at kasamang traffic ay inabot na ng gabi sina Kim at Xian bago makarating sa lugar na kanilang tutuluyan. Dahil dito, ay nagpasya na lamang sila na ipagpabukas na lang ang kanilang vlog.

Photo credits: Xian Lim | IG

Isang magandang umaga ang bumungad sa magkasintahan kung saan ipinakita ni Xian ang ganda at lawak ng lugar. Sa unang ng kanilang getaway, ay agad silang nagtungo sa beach kasama ang kanilang mga kaibigan. Makikita naman na talagang maalaga si Xian kay Kim, at ito talaga ang nagdadala ng mga gamit ng dalaga.

Photo credits: Xian Lim | IG

Photo credits: Xian Lim | IG

Agad namang sumalang ang magkasintahan sa jetski kung saan ay si Kim ang nagmamaneho ng kanilang sinasakyan at hawak naman ni Xian ang camera nila ni Kim. Makikita na enjoy na enjoy ang dalawa sa pagjejetski. Ngunit, sa ilang saglit lang ay makikita na bumaba para magpahinga si Xian dahil sa pagkahil9 at pagsusuka sandi ng malakas na alon.

Photo credits: Xian Lim | IG

Photo credits: Xian Lim | IG

Makikita naman na uminom siya ng gamot na kanyang hiningi mula sa grupong kanyang nakilala. At nang medyo nakarecover na at gumanda na ang kanyang pakiramdam, ay sinundo na siya ni Kim at muli siyang sumakay sa jestki. Ngunit, ilang sandali lamang ay makikitang nagsusuka si Xian sa dagat habang nagjejetski.

Photo credits: Xian Lim | IG

Kapansin-pansin naman na kahit masama ang pakiramdam ni Xian ay patuloy parin siya sa pagkuha ng video upang ibahagi sa kanyang tagahanga ang mga kaganapan.

Photo credits: Xian Lim | IG

Sa huli ay nagpasya na lamang silang bumalik sa kanilang tinutuluyan dahil nga hindi na kinaya ni Xian ang masamang pakiramdam dahil sa lakas ng alon.

Photo credits: Xian Lim | IG

Dahil nga hindi naenjoy ni Xian ang pagjejetski, ay bumalik sina sa dagat kasama ang kanyang mga kaibigan. At sa pagkakataong ito, ay ipinasyal naman ng aktor ang kanyang mga viewers sa sinasakyan nilang yate.

Photo credits: Xian Lim | IG

Marami na naman sa mga tagahanga ng KimXi ang kinilig at naenjoy ang vlog ng magkasintahan sa kanilang masayang bakasyon sa Punta Fuego.

error: Content is protected !!