Connect with us

Entertainment

Silipin ang Kasal ng Dating Aktres na si Ara Mina sa Businessman na si Dave Almarinez na may mala Crazy Rich Asian na Tema

Ganap nang mag-asawa ngayon ang aktres na si Ara Mina at businessman na si Dave Almarinez. Matapos ang kanilang sumpaan sa harap ng kanilang mga mahal sa buhay noong nakaraang Hunyo 30, na naganap sa Alphaland Baguio Mountain Lodges Chapel sa Baguio City, ngayon nga ay talagang masayang-masaya ang bagong kasal dahil natupad na ang pangarap nilang maging kabiyak ang isa’t isa.

Photo credits:Ara Mina Channel | Youtube

Photo credits:Ara Mina Channel | Youtube

Marami naman ang humanga sa engrandeng kasalan nilang dalawa, lalo na nga sa taglay na kagandahan ni Ara habang suot ang kanyang queen-inspired wedding gown na talagang bumagay sa kanya. Habang si Dave naman ay makisig tingnan sa suot niyang royal blue suits.

Ang kanilang kasal nga, ay masasabing isang royal wedding ng taon sa gitna ng pandemya. Ito nga ay nakapaespesyal na seremonya na hindi nila makakalimutan sa buong buhay nilang mag-asawa. Ito nga ay matagal ng pinapangarap nina Dave at Ara, matapos nilang masumpungan ang hinahanap na pag-ibig sa isa’t isa.

Photo credits:Ara Mina Channel | Youtube

Isa naman sa inaabangan sa seremonya ng kanilang pag-iisang dibdib ay ang pagpapalitan ng kanilang sumpaan sa isa’t isa, ang wedding vows nila para ipadama ang kanilang labis na pagmamahal. Hindi nga napigilan nina Dave at Ara, ang maging emosyunal habang binabasa ang wedding vows na kanilang inihanda.

Photo credits:Ara Mina Channel | Youtube

Kasabay ng pagbabasa ni Ara ng kanyang mensahe para kay Dave, ay ang pagtulo rin ng kanyang mga luha. Sa bawat kataga naman talaga ay mababakas kung gaano siyang nagpapasalamat, dahil may isang Dave na dumating sa buhay niya. Mababakas rin sa mensahe ni Ara ang kanyang paghanga, at labis na pagmamahal kay Dave bilang isang taong responsable at mapagmahal sa pamilya.

Photo credits:Ara Mina Channel | Youtube

“Dave, when I met you three years ago, I wasn’t really looking for love kasi naka-focus ako sa work ang kay Mandy. Totoo pala ‘yung kasabihan na ang love daw hindi hinahanap, kusang dumadating. Kahit madami akong pinagdaanan sa buhay ko, hindi naging hadlang sa akin na mangarap na magkaroon ng sariling pamilya.”

Photo credits:Ara Mina Channel | Youtube

“Nagustuhan kita dahil sa magandang bagay, maraming magandang bagay tungkol sa iyo. Isa ang pagiging simple mo, responsible mo, at pagiging mapagmahal mo sa pamilya mo.”

“At the end of the day, only God knows everything we went through and He knows our hearts. Wala akong hiniling sa Diyos na hindi Niya binigay. Kailangan mo lang minsan maghintay and it was worth the wait.”

Photo credits:Ara Mina Channel | Youtube

Maging si Dave nga, bagama’t nauna na niyang sinabi na hindi siya iiyak, ay hindi rin niya napigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha. Ang mensahe ni Dave, ay puno rin ng pagmamahal at pangako na kanyang pangangalagaan habambuhay ang kanyang asawang si Ara.

“Alam ng puso natin kung ano ang mahalaga. Sa araw na ito, katapusan ng buwan. Pero ngayon ang umpisa ng ating ‘now’ and ng ‘always’ at ng ‘forever’.

“Forever kitang itataguyod, forever na itataguyod ko ang ating pamilya, at bibigyan ng pangalan na malinis at marangal.”

“Ang pangarap mo ay pangarap ko rin. Ngunit, siguro ang biggest kong pangarap ay yung mapasaya ka, mapangiti sa gitna ng anumang pagsubok.”

Photo credits:Ara Mina Channel | Youtube

Tunay nga na isang tunay at wagas na pag-ibig ang natagpuan nina Dave at Ara sa isa’t isa sa kabila ng mga pagsubok na kanilang pinagdaanan. Kung si Dave nga, ang matagal nang ipinagdarasal ni Ara na siyang naging kasagutan ng kanyang dasal, si Ara naman ang babaeng kokompleto sa buhay ni Dave dahilan upang matawag na siya’y pinakamapalad na simpleng tao para sa isang sikat na Ara Mina.

Ang mga bisita sa kanilang kasal, ay damang-dama rin ang bawat mensahe na punong-puno ng emosyon at pagmamahal. Kaya naman, ang mga ito ay makikita rin na nagsisiiyakan at pinupunasan ang bawat pagpatak ng kanilang luha.

error: Content is protected !!