Connect with us

Uncategorized

Silipin ang Kahanga-hangang Maternity Photoshoot ni Isabel Oli Prats sa Garahe ng kanilang Tahanan

Published

on

Ang pagbubuntis ang isa sa pinakamahalagang yugto sa buhay ng pagiging isang ina. Kaya naman, ang bawat sandali na paglaki ng sanggol sa kanyang sinapupunan ay ini-enjoy ng isang ina. At upang manatili ang masayang alaala habang ang sanggol ay nasa sinapupunan pa ng ina, nagsasagawa ang mag-asawa ng isang maternity photoshoot.

Wala na ngang nakapigil pa sa mag-asawang Isabel Oli at John Prats dahil kahit ang quarantine ay hindi naging hadlang sa kanila upang makunan ng larawan ang mahalagang sandali ng ipinagbubuntis ni Isabel bago ito tuluyang dumating sa buhay nila.




Kahit nga nasa gitna ng quarantine ay gumawa ng paraan ang mag-asawa upang magkaroon ng napakagandang maternity photoshoot si Isabel para sa pagdating ng kanilang 3rd baby.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Isabel kung paano sila nakagawa ng napakagandang set up ng studio sa kanilang garahe para sa kanyang maternity photoshoot.

“We have a choice to be creative and productive, right? And this is us, the Pratties, squeezing our creative juices to make this photoshoot come to happen”, saad ni Isabel.

Photo credits: isabeloliprats | Instagram

Nagawan nga ng paraan nina Isabel at John Prats ang set up ng magsisilbing studio para sa maternity photoshoot ni Isabel. Kahit pa ang set up nito ay sa garahe lamang, naging creative at productive ang mag-asawa. Kaya naman, napakaganda ng kinalabasan nito at talagang kahanga-hanga ang pagiging creative ng dalawa na tila ito’y denisenyo ng isang professional.

Samantala, ayon naman sa aktres ay nakamit nila ang napakagandang maternity photoshoot dahil sa kanilang pagtutulungan. Ang asawang si John Prats at kanyang sister-in-law na si Naomi ang kumuha ng mga larawan at nagsilbing photographer. Samantalang mismong si Isabel naman ang nag-ayos ng kanyang sarili magmula sa buhok hanggang sa kanyang napakagandang make up para sa kanyang photoshoot.

“I’m so used to having my own glam team, stylist, photographer and studio. So imagine how overwhelmed we were while doing the shoot, but it was all worth it. I would say that it made it all the more special – doing it with people who matter to me”.

Samantala, ang aktor naman na si John Prats ay nagpost rin sa Instagram ng kanyang pasasalamat dahil naging matagumpay ang maternity photoshoot ng asawa.

“Kahit papaano may magandang shoot kami para sa 3rd baby namin and sa malaking moment na to sa pamilya namin. Salamat Lord God for keeping us safe.”

Matatandaan na noong buwan ng Marso nang ihayag ng mag-asawa na ang kanilang pamilya ay may bagong miyembro at ito nga ang kanilang 3rd baby.




“We will be welcoming another bundle of joy, Baby Pratty number 3 this JULY 2020!!! Our family is growing, and I can’t help but thank God even in the midst of this pandemic. I know that despite these trying times, God is always in His best timing and is sovereign. So, help us welcome our little one and pray for a safe delivery as well,” post ni Isabel sa Instagram noong March.

error: Content is protected !!