Connect with us

Entertainment

Silipin Ang Ipinapagawang Dream House Para Sa Kanyang Pamilya Ng Sikat Na Singer Na Si Aicelle Santos

Ang sikat na singer na si Aicelle Santos ay hinahangaan ng publiko dahil sa kanyang taglay na talento sa pag-awit at napakagandang tinig. Dahil nga sa kanyang matagumpay na karera ay unti-unti na rin niyang natutupad ang kanyang mga pangarap para sa kanyang pamilya.

Credits: Aicelle Santos | Instagram

Isa nga sa talagang matagal nang pinapangarap ng All Out Sundays star na si Aicelle ay ang makapagpatayo ng bahay para sa kanyang mga magulang. At ito nga ay kanya nang nabigyang katuparan. Kamakailan lamang nga, ay masayang ibinahagi ni Aicelle sa kanyang mga tagahanga sa Instagram ang isang larawan kung saan makikita ang kanyang anak na si Zandrine habang nasa harapan ng ipinapagawa nilang bahay.

Credits: Aicelle Santos | Instagram

“To new beginnings. All praise and honor to our Great provider,” ayon sa caption ni Aicelle.

Marami naman sa mga kaibigan sa showbiz ni Aicelle ang nagpaabot ng pagsuporta sa kanya, at hinangaan rin ang singer dahil sa wakas nga ay nabigyang katuparan na nito ang maipagawa ng bahay ang kanyang mga magulang. Ilan lamang sa mga kaibigan ni Aicelle na nagpakita ng pagsuporta sa kanya ay sina Kapuso stars na sina Barbie Forteza, Rocco Nacino, Julie Anne San Jose, at ang comedian-actress na si Kakai Bautista.

Samantala, hindi naman maipagkakaila na masayang-masaya si Aicelle dahil natupad na ang kanyang pangarap para sa kanyang pamilya. Kasama naman ni Aicelle at talagang buong puso ang pagsuporta sa kanyang mga pangarap ay ang kanyang asawang si Mark Zambrano.

Credits: Aicelle Santos | Instagram

Ikinasal si Aicelle sa kanyang nobyo na si Mark na dating Kapuso news anchor, matapos ang tatlong taong relasyon. Sila nga ay ikinasal noong Nobyembre 16, 2019 sa San Juan Batangas na dinaluhan ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.

Makikita naman kung gaano kasaya ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa at sa loob lamang nga ng isang taong pagsasama ay nagbunga na nga ang kanilang pagmamahalan ng isang supling. Ito nga ang kanilang napakacute na anak at unica hija na si Baby Zandrine na isinilang ni Aicelle noong December 2020.

Credits: Aicelle Santos | Instagram

Si Aicelle Anne Coronel Santos-Zambrano ay kilala sa industriya ng showbiz hindi lamang bilang singer-song writer kundi bilang isa ring mahusay na aktres. Una siyang nakilala ng publiko matapos niyang maging contestant ng music scene na Star in a Million. Tinagurian rin siyang “First Undefeated Pinoy Pop Superstar”, matapos niyang magkamit ng sunod-sunod na panalo sa television singing contest ng GMA Networt na Pinoy Pop Superstar. Kilala rin siya bilang International Stage Diva na kung saan ay gumanap na Gigi sa Miss Saigon. Maliban dito ay kilala rin siyang “Soul Flair Songstress”.

error: Content is protected !!