Connect with us

Entertainment

Silipin ang Intimate Baby Shower na Idinaos ng Soon-to-be-Parents na Sina Angelica Panganiban at Gregg Homan

Ilang buwan na lamang ang bibilangin at nalalapit ng isilang ng aktres na si Angelica Panganiban ang magiging panganay na anak nila ng partner niyang si Gregg Homan. Bilang paghahanda at pagdiriwang nila sa nalalapit na pagdating ng kanilang ‘first child’ ay isang intimate baby shower ang idinaos ng soon-to-be-parents.

Photo Credits: Angelica Panganiban | IG

Nito lamang nakaraan ng idaos ang intimate baby shower nina Angelica at non-showbiz partner niyang si Gregg, at makikita naman noong araw ng Linggo, ika-31 ng Hulyo ay bumaha sa social media ang ilang mga larawan at video na kuha sa nasabing intimate event na ini-upload ng kanilang mga kapamilya at kaibigan na dumalo sa nasabing pagdiriwang.

Photo Credits: Angelica Panganiban | IG

Kaagad na mapapansin sa mga kumalat na larawan ang pagiging isang glowing mother-to-be ng Kapamilya actress, na nakasuot ng pink dress, samantala ang kanyang non-showbiz partner naman ay nakasuot ng white polo. Bakas din sa awra nina Angelica at Gregg ang labis na kasiyahan.
Pink dress ang suot ni Angelica, dahil ang magiging panganay na anak nila ay isang baby girl, na kamakailan lamang ay inanunsyo nila matapos nilang magdaos ng isang simpleng gender reveal party.
Hindi rin naman nawala sa nasabing pagdiriwang ang mga matatalik na kaibigan ni Angelica sa showbiz na sina Annne Curtis, Angel Locsin at Maxene Magalona. Na-ispatan din na naroroon ang mga naging co-star ni Angelica sa iWantTFC series na Call Me Tita na sina Cherry Pie Picache at Agot Isidro.

Photo Credits: JhaiHo | IG

Ilan pa din sa mga celebrity at personalidad na dumalo sa baby shower na idinaos nina Angelica at Gregg ay sina Alora Sasam, Ryan Bang, DJ Jhai Ho, at direktor Dan Villegas.
Samantala, sa nasabing pagdiriwang ay mapapansin naman na sa kabila ng pagiging intimate nito, ay tila talaga namang pinaghandaan ito nina Angelica at Gregg, dahil sa napakagandang dekorasyon na makikita sa lugar na pinagdausan ng kanilang intimate baby shower. Tila masasabi din na may temang under the sea ang baby shower, dahil sa mga dekorasyon nito.

Photo Credits: Angelica Panganiban | IG

Matatandaan na buwan ng Marso ng i-anunsyo ng 35-taong gulang na si Angelica Panganiban na siya ay nagdadalang-tao sa magiging panganay na anak nila ng non-showbiz partner niyang si Gregg Homan. Kamakailan lamang din ng kanilang ibahagi sa publiko na isang baby girl ang kanilang magiging first child.
Ang soon-to-be-parents na sina Angelica at Gregg ay nasa 2-taon na ring magkarelasyon, kung saan nito lamang nakaraang buwan ng Hulyo ng ipagdiwang nila ang kanilang ika-2 taong anibersaryo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JhaiHo (@mor1019jhaiho)

error: Content is protected !!