Connect with us

Entertainment

Silipin Ang Inihandang All-White Birthday Party Ng Aktres Na Si Bea Alonzo Para Sa Kanyang Inang Si Mary Ann

Tila nga ang taong 2021 ay puno ng saya at biyaya para sa aktres na si Bea Alonzo. Magmula sa kanyang paglipat ng network, bagong proyekto at mga endorsements ay talaga namang nag-uumapaw ang biyaya sa karera ng aktres. Kaya naman, tinitiyak rin ng 34 taong gulang na aktres na ang bawat biyayang kanyang natatanggap sa kanyang buhay, ay naibabahagi rin niya sa kanyang pamilya lalo na nga ang kanyang ina na si Mary Ann Ranollo o mas kilala ng lahat sa tawag na Madam M.

Credits: Preview

Hindi nga pinalampas ni Bea ang pagkakataon na ipadama ang kanyang pagmamahal sa taong nagluwal sa kanya sa mundo. At para sa pagdiriwang ng kaarawan ni Madam M, ay naghanda ang aktres ng isang intimate birthday celebration. Sa masayang selebrasyon na ito, ay nagkaroon sila ng isang bonggang all white party.

Credits: Preview

Kapansin-pansin naman talaga ang ginawang paghahanda ni Bea para sa espesyal na araw ng kanyang ina. Makikita nga na bonggga ang naging set up ng venue, at napakaganda nga ng garden party na ito. Masisilayan sa venue ang napakagandang floral arrangements. Mas lalo naman itong pinaganda ng mga pailaw, at ng mga hanging lanterns. Bagay na bagay nga ang kanilang suot na all white sa theme ng party na binigyang katuparan ng mahusay na event designer na Gideon Hermosa.

Credits: Preview

Bukod naman sa napakagandang dekorasyon sa venue ng kaarawan ni Madam M, ay isang masarap na pagkain naman ang kanilang pinagsaluhan kung saan nga ay inihanda ng Wolfgang Steakhouse. Talaga namang napakabongga ng birthday ni Madam M. Mababakas naman ang kaligayahan sa mukha ni Madam M, habang nagbo-blow ng candle sa kanyang all-white two-tiered floral cake.

Samantala, ang masayang kaarawan na ito ni Madam M, ay dinaluhan lamang ng kanilang pamilya, at kanilang malalapit na kaibigan. At siyempre, hindi rin nawala sa masayang pagdiriwang ang boyfriend ni Bea na si Dominic Roque.

Credits: Preview

Makikita naman sa mga larawan na ibinahagi sa social media ang masayang ngiti ng kanilang pamilya sa pagdiriwang ng birthday ni Madam M. At ang birthday celebrant nga, ay masayang-masaya sa kanyang espesyal na araw lalo na nga’t kasama niya ang mga taong nagmamahal sa kanya.

Credits: Preview

Hindi naman maikakaila na bilang isang mabuti at mapagmahal na anak, ay gagawin ni Bea ang abot ng kanyang makakaya para lamang mapasaya ang kanyang ina. At talaga namang deserve rin ni Madam M, ang handogan ng isang bonggang birthday celebration, dahil isa siyang malaking patunay ng mapagmahal at responsableng ina sa kanyang mga anak.

error: Content is protected !!