Connect with us

Entertainment

Silipin ang Humble Beginning ni Pambansang Bae Alden Richards Bago Makamit ang Tagumpay sa Industriya ng Showbiz

Si Richard Reyes Faulkerson Jr sa tunay na buhay at kilala naman ng kanyang mga tagahanga sa showbiz bilang si Alden Richards, ay isang sikat na aktor, endorser at TV host.

Isa si Alden sa itinuturing na pinakasikat at hinahangaang artista sa industriya ng showbiz. Kapag nga naririnig na ang kanyang pangalan ay kilala na siya ng madla. Ang kanyang gwapong mukha at nakakakilig na ngiti na sinamahan pa ng kanyang dimples, ay talaga namang hinahangaan ng maraming kababaihan.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Masasabi nga na malayo na ang narating na tagumpay ni Alden sa kanyang karera, kung saan ay marami na siyang naipundar at malaki na rin ang nabago sa kanyang pamumuhay.

Photo credits: google.com

Ngunit, paano nga ba nagsimula ang isang Alden Richards sa showbiz bago makamit ang tinatamasang tagumpay ngayon?

Photo credits: google.com

Hindi nga maging madali ang pinagdaanan ni Alden dahil nagsimula siya bilang isang modelo at naging kalahok rin sa mga male beauty pageant. Ito nga ay matapos niyang mabigo nang makipagsapalaran sa talent reality show ng GMA Network na StarStruck noong 2009 sa ikalimang season nito. Sinubukan ring mag-audition ni Alden sa Pinoy Big Brother: Teen Clash noong 2010, ngunit nabigo rin siya.

Photo credits: google.com

Unang napanood si Alden sa teleseryeng Alakdana sa GMA Network matapos makapasa sa audition, kung saan nakuha niya ang role bilang Joma, at nakatambalan ang aktres na si Louise delos Reyes. At dito na nga nagsimulang mamayagpag ang kanyang acting career.

At dahil nga sa kanyang ipinamalas na husay sa pag-arte, ay bumuhos ang napakaraming proyekto sa hanggang karera hanggang sa maging TV host siya ng GMA noon time show na Eat Bulaga.

Mas lalong nakilala ang pangalan ni Alden, nang makatambalan niya naman ang aktres at TV host na si Maine Mendoza o Yaya Dub na nagsimula sa segment ng Eat Bulaga na Kalyeserye at nakilala ang kanilang on screen love team sa bansag na AlDub.

Photo credits: google.com

Talaga namang kahanga-hanga ang kanyang husay at talento, patunay lamang dito ang mga nakamit niyang karangalan. At isa nga sa kanyang talagang naipagmamalaki ay ang mabansagang Asia’s Multimedia Star matapos maparangalan noong 2019 Seoul International Drama Award, Asian Star Prize award na katumbas na ng acting award, at ito ay naganap sa South Korea.

Pinahanga rin ni Alden ang marami sa naging tambalan nila ng aktres na si Kathryn Bernardo sa pelikulang “Hello Love, Goodbye”. At ito nga ang may pinakamalaking kinitang pelikula na may worldwide gross na P880, 603, 490, ayon sa Star Cinema.

Photo credits: google.com

Hindi nga halos makapaniwala si Alden sa tinatamasa niyang tagumpay ngayon. At ang lahat ng ito, ay iniaalay niya sa kanyang namayapang ina na si Rosario Faulkerson na pumanaw noong 2008 dahil sa pneumonia.

Ayon naman kay Alden sa isang panayam, ay ibinahagi niya na ang talagang pangarap niya ay maging isang piloto, ngunit hinikayat siya ng kanyang ina na maging isang artista. Kaya naman, tiyak na masaya ang ina ni Alden sa tagumpay na tinatamasa ng aktor ngayon, dahil ang pangarap na inaasam niya para sa kanyang anak ay nabigyang katuparan.

error: Content is protected !!