Connect with us

Entertainment

Yaya Moi Bien Pinasaya ang kanyang mga Followers Matapos Ipasyal sa Napakagandang Hilltop Rest House ng Among si Piolo Pascual

Sa isang nakakaaliw na house tour vlog ng kilalang komedyante na si Moi, ipinasilip ng aktor na si Piolo Pascual ang isa sa kaniyang pinakabagong property.

Photo credits| Piolo Pascual |YT

Sa vlog, makikita ang patuloy na konstruksiyon na ginagawa sa property. Ayon kay Piolo, kasalukuyang ginagawa ang isang outdoor dining space at view deck kung saan matatanaw ang isang napakagandang beach at ang mga kalapit na isla rito. Sa view deck rin na ito makikita ang ilan sa mga muwebles na gawa ng paboritong artist ni Piolo. Ang ilan naman ay mula sa mga lugar na nabisita na ng aktor.

Photo credits| Piolo Pascual |YT

Makikita sa vlog na talagang hands-on ang artista pagdating sa pagpapaganda ng kaniyang sariling bahay. Ayon kay Piolo, ideya niya ang ilan sa mga disenyo ng landscape sa kaniyang garden. Hindi rin mawawala ang mga magaganda at kakaibang halaman sa garden na ito. Bukod pa rito, mayroong vegetable nursery sa property kaya naman masasabing totoong kinahihiligan ng aktor ang pagtatanim.

Photo credits| Piolo Pascual |YT

Mapapansin din ang pagiging malikhain ng aktor dahil sa kaniyang paggamit ng mga lumang kagamitan bilang disenyo sa garden. Sa ilan pang parte ng lugar, makikita ang ilang espasyo na maaaring maging pahingahan ng aktor at ng kaniyang mga bisita. Dagdag pa rito, mayroon ding kakaibang swimming pool ang mansyon.

Photo credits| Piolo Pascual |YT

Sa mismong bahay naman ng aktor makikita ang isang gym na kumpleto ng mga gym equipments. Mula naman dito ay maaaring makapunta sa bar kung saan matatanaw pa rin ang napakagandang view. Ibinahagi rin ni Piolo ang family room kung saan maaaring makapag-relax ang kaniyang pamilya. Kapansin-pansin din ang ilang mga artworks sa iba’t ibang bahagi ng bahay.

Photo credits| Piolo Pascual |YT

Hindi rin mawawala ang isang espesyal na espasyo kung saan makikita ang mga naging awards ng aktor. Simple naman ang disenyo ng master’s bedroom ngunit katulad din ng ilan pang silid ng bahay, makikita mula rito ang ganda ng lugar.

Photo credits| Piolo Pascual |YT

Bagamat mukhang simple ang bahay na ito, walang duda na talagang komportable ang aktor dito. Sa ganda rin ng lugar ay tiyak na makakapag-relax ang sinumang bibisita rito. Maging ang mga netizens at fans ng aktor ay natuwa at pinuri ang kagandahan ng property na ito ni Piolo.

error: Content is protected !!