Connect with us

Entertainment

Silipin ang Hermes Bag Collections ni Jinkee Pacquiao na may mga Makalaglag Pangang Halaga, at Kasing Presyo na ng Sprots Car

Published

on

Ang pamilya Pacquiao nga ang isa sa pinakamayamang pamilya sa bansa. Dahil sa kanilang taglay na kayamanan ay marami ang humahanga at sumusubaybay sa kanilang buhay. Hindi naman maitatanggi na ang bunga ng hirap at pagsisikap ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao sa larangan ng boksing, ay masayang tinatamasa ng kanyang pamilya ngayon.

Maliban nga sa mga anak ni Sen. Manny na masaya sa buhay na mayroon sila ngayon, ay masaya ring tinatamasa ang karangyaan sa buhay ng asawa niyang si Jinkee Pacquiao. Si Jinkee Pacquiao nga ang isa sa mga sikat na personalidad ngayon sa bansa, bukod sa pagiging socialite at media personality, isa rin siyang fashionista na talaga namang hindi maikakaila ang ganda ng mga kasuotan kung saan ay mga mamahalin rin ang halaga. Marami ngang koleksiyon ng iba’t ibang kagamitan si Jinkee, mapa-sapatos, alahas, damit at bag ay mayroon siyang lahat niyan.




Ngunit, ang higit na nakakamangha sa mga koleksiyon ni Jinkee ay ang bag collection niya na hindi lamang magaganda kundi nakakalula rin ang presyo dahil ang halaga ng bawat bag ay halos katumbas na ng house and lot. At ang pinakapaborito niyang brand ng bag ay ang Hermes bag.

Minsan nang naitampok sa isang magazine ang ilan sa mga mamahaling Hermes bag ni Jinkee, ngunit ngayon ay masisilayan at masisilip na nating lahat ang ganda at halaga ng kanyang bag collection ng Hermes sa tulong ng compilation ni Nelson Adrian na ibinahagi sa kanyang facebook account.

Mamangha sa mga mamahaling bag collection ni Jinkee na halos katumbas na ng house and lot ang halaga. Narito ang detalye:

1. HERMES KELLY 32 Seliier Toile De Camp Cavalcadour Palladium Hardware
Isa ang bag na ito sa mga kahanga-hangang koleksiyon ng Kelly na may sukat na 32 cm. Ang Kelly bag na ito ay limited edition lamang at tanging mga VIP client lamang ang maaaring makakuha ng naturang desinyo. Tumataginting na Php1,830,589.18 ang halaga ng nasabing Kelly bag.

Photo credits: By Nelson Adrian    

2. HERMES 32cm Amazon Rouge H Horse Print and Barenia Toile and Fauve Leather Kelly
Sa halagang Php1,177,673.27 naman nabili ni Jinkee ang rare na bag na ito na may sukat na 32cm at talaga namang napakaganda ng disenyo nito.

Photo credits: By Nelson Adrian

3. HERMES Kelly 28 Retourne Toile de Camp Dechainee & Veau Barenia Palladium Hardware
Kahanga-hanga rin ang bag na ito dahil isa rin ito sa limited edition ng Kelly na may Retourne style at nagkakahalaga ito ng Php1,434,237.80.

Photo credits: By Nelson Adrian

4. HERMES Beige Box Vibrato Kelly Sellier 25
Ang Hermes Bag na ito ay nagkakahalaga ng Php940,159.33 na may napakagandang disenyo.

Photo credits: By Nelson Adrian

5. HERMES Rouge H Veau Evercalf II Kelly 35 Retourne Vibrato Bag
Php786,764.91 naman ang halaga ng Hermes bag na ito na talagang bagay na bagay sa OOTD ni Jinkee.

Photo credits: By Nelson Adrian




6. HERMES Kelly 25cm Sellier Veau Epsom 1Q Rose Confetti/ 3P Blue Atoll Bi-Color Gold Hardware
Sa halagang Php1,088,605.54 naman nakuha ni Jinkee ang Hermes bag na ito na may sukat na 25 cm at may pinaghalong kulay rosas at kulay asul na disenyo.

Photo credits: By Nelson Adrian

7. HERMES Kelly 20 Mini II Sellier Blue Sapphire Crocodile Gold Hardware
Ang 20 cm cross body Kelly bag na ito ay nagkakahalaga naman ng Php2,968,676.79.

Photo credits: By Nelson Adrian       

8. HERMES Kelly Vert Vertigo Swift Cut Gold Hardware Green Leather Clutch
Isa namang Kelly Cut ang bag na ito na nagkakahalaga ng Php682,629.90.

Photo credits: By Nelson Adrian

9. HERMES 32cm Natural Courchevel Leather & Toile Sellier Kelly Bag with Gold Hardware
Napakaganda naman Kelly bag na ito na nagkakahakaga ng Php678,155.73 at may sukat na 32 cm.

Photo credits: By Nelson Adrian




10. HERMÈS Kelly Rouge Agathe Crocodile Porosus GHW With Strap
Kahanga-hanga ang Kelly bag na ito dahil ito ang isa sa pinakamahal sa mga koleksiyon ng bag ni Jinkee Php2,269,914.25.

Photo credits: By Nelson Adrian

11. HERMÈS Birkin Noir Black Crocodile Porosus Lisse in Gold Hardware
Ang kulay itim na bag na ito na may disenyong gawa sa balat ng crocodile ay may nakakakulang presyo na Php3,542,916.21

Photo credits: By Nelson Adrian

12. HERMES Birkin Ombre Exotic Lizard in Palladium Hardware
Sa halagang Php5,937,848.40 naman nabili ni Jinkee ang Hermes bag na ito na may kakaibang disenyo.

Photo credits: By Nelson Adrian




13. HERMES Birkin Vert Emerald Niloticus Crocodile Gold Hardware
Nakakalula rin ang halaga ng kulay emerald na yari sa balat ng crocodile na dahil may halaga ito halos umabot ng Php4,947,959.59.

Photo credits: By Nelson Adrian

14. HERMES Ghillies Grand Marriage Kelly Bags
Ito naman ang pangalawa sa pinakamahal na Hermes bag ni Jinkee. At hind naman maikakaila ang kagandahan nito sa natatangi nitong disenyo na talagang sulit sa halagang Php6,185,258.00.

Photo credits: By Nelson Adrian

15. HERMES Himalaya Birkin Bag made from Niloticus Crocodile in Palladium Hardware
Makalaglag-panga naman ang halaga ng bag na ito sa dahil sa halagang Php9,401,590.83 ay wala pa itong mga diamonds. Ngunit, kung nais itong palagyan ng diamonds ay aabot na ang halaga nito sa halos Php21,238,180.46.

Photo credits: By Nelson Adrian

error: Content is protected !!