Connect with us

Entertainment

Silipin ang Fresh at Napakagandang Beach OOTD ng Aktres na si Kim Chiu sa Balesin na Mas Lalong Nagpalitaw ng Kanyang Kagandahan at Kaseksihan

Si Kim Chiu ay isa sa mga kilalang artista sa industriya ng showbiz na talaga namang hinahangaan ng marami. Hindi na rin lingid sa kaalaman ng marami na sa dami ng proyekto ng Chinita Princess ay kaakibat nito ang pagkakaroon niya ng busy schedule.

Credit: Kim Chui | Instagram

Kaya naman, matapos ang kanyang nakakapagod na trabaho, ay naghahanap si Kim ng oras para makapagpahinga at makapag-relax. Mula nga sa mga TV endorsements, shooting at iba pang proyekto, ay ang pagbabakasyon sa magagandang beach sa Pilipinas ang nagsisilbing reward ni Kim sa kanyang sarili.

Credit: Kim Chui | Instagram

At nito lamang weekend ay talagang sinulit ni Kim ang pagkakataong mag-enjoy sa kanyang bakasyon sa napakagandang isla ng Balesin. Habang nasa masayang bakasyon, ay ipinasilip naman ni Kim ang kanyang kahanga-hangang beach OOTD na talaga namang napaka-fresh ng dating. Naging sunod-sunod ang pagpost ng aktres sa Instagram ng kanyang stylish OOTD sa Balesin Island.

Ang cool na beach OOTD ay hindi lamang nga usapang seksing swimsuit, kundi kung pano rin maging fashionista at magkaroon ng magandang style sa pagdadala ng damit habang nasa beach. At si Kim nga, ang patunay na kahit hindi nakasuot ng swimsuit ay talagang napakaganda parin niya. Sa kanyang printed top bikini na binagayan naman ng mess pants ay napaka-fresh naman talagang pagmasdan ng aktres.

Credit: Kim Chui | Instagram

Simple man ang kanyang suot, ay hindi parin maikakaila ang nakatagong magandang kurba ng katawan ni Kim. Bagay na bagay rin kay Kim ang suot niyang makulay na outfit na talaga namang aagaw ng atensyon ng sinuman.

Sa kanyang suot na white bandeau bikini top na pinaresan naman ng red bikini bottom ay talaga namang litaw na litaw ang taglay na kaseksihan ni Kim na mas pinaganda ng nakapagandang tanawin ng Balesin.

Credit: Kim Chui | Instagram

Simple namang dinala ni Kim ang kanyang sarili sa suot niyang pair floral shorts na binagayan naman ng kanyang accessories. Sa suot niya namang black two-piece swimsuit ay sadyang napakaganda rin ng aktres.

Tila naman mahilig si Kim sa mga floral prints OOTD, mapapansin sa suot niyang floral print top na pinaresan ng high waist shorts ang kanyang makinis na balat at napakaganda niyang mukha.

Samantala, ang isang OOTD naman ni Kim habang nasa beach, ay isang white triangle bikini top na katulad ng disenyo ng dati niyang black triangle bikini top. At ito naman ay binagayan ni Kim ng isang airy linen trouser na talaga namang perfect lounge look.

Credit: Kim Chui | Instagram

At kung may pang beach OOTD, ay may pa-sleepy day OOTD rin si Kim kung saan ay nagsuot ng isang floral puff-sleeved dress na talagang bagay na bagay sa kanya. Napakaganda ring pagmasdan ni Kim sa kanyang suot na white dress habang nakasuot ng mask, at nakompleto ang kanyang look ng kanyang floral Dior Book Tote.

Tunay nga na kahit saan pa man magpunta si Kim, ay laging nakahanda ang kanyang mga naggagandahang OOTD na hindi maitatanggi na bagay na bagay sa kanya.

error: Content is protected !!