Connect with us

Entertainment

Silipin Ang Enjoy Na Enjoy Na Bakasyon Sa Beach Ng Celebrity Couple Na Sina McCoy De Leon At Elisse Joson Kasama Ang Kanilang Baby Girl Na Si Baby Felize

Sa pagsisimula pa lang ng taong 2022 ay agad ngang lumikha ng masayang alaala ang celebrity couple na sina McCoy de Leon at Elisse Joson kasama ang kanilang napakacute na baby girl na si Felize.

Hindi nga pinalampas ng celebrity couple na simulan ang taong 2022 ng isang masayang adventure kung saan nga ay masaya silang nagbakasyon sa isang napakagandang beach sa Pangasinan.

Nito lamang ika-4 ng Enero nang ipasilip ni Elisse sa isang vlog na mapapanood sa kanyang YouTube Channel ang kanilang masayang adventure. At nagtungo nga ang pamilya nina McCoy at Elisse sa Dasol, Pangasinan para sa kanilang unang family beach trip kasama si Baby Felize.

Photo credits: Elisse Joson | Youtube

Makikita nga na napakaganda ng tanawing masisilayan sa beach na kanilang pinuntahan. Kaya naman talagang sinulit ng celebrity couple ang bawat sandali para sila’y mag-enjoy. Inamin naman ni Elise sa nasabing vlog na hilig niya talagang ang magbakasyon sa beach na sinang-ayunan naman ni McCoy.

Photo credits: Elisse Joson | Youtube

Ngunit, hindi tulad ng kanyang mga magulang na gustong-gusto ang beach, ay tila nga hindi nagustuhan ng anak nina McCoy at Elisse na si Felize ang unang beses na nakatapak siya sa beach. Makikita kasing sa tuwing inilalapit si Felize ng kanyang Mommy Elisse sa tubig ng dagat ay umiiyak ito. At kapag naramdaman na ni Felize sa kanyang munting paa ang alon, ay tila nga naninibago ito sa kakaibang pakiramdam dahilan nga para umiyak ito.

Photo credits: Elisse Joson | Youtube

Sa kabila naman ng pagkatakot ni Baby Felize sa dagat, ay umaasa naman si McCoy na masasanay rin ito at maeenjoy rin ang beach.

“Takot siya sa water pero gusto naming masanay siya kasi we love the beach.”

Hindi man nga nakakatagal sa alon sa beach si Baby Felize, naenjoy naman nito ang pool at paglalaro ng buhangin. Hindi rin siyempre mawawala ang pagkain niya ng mga prutas, na kung saan nga ay talagang paborito ni Baby Felize.

Photo credits: Elisse Joson | Youtube

Samantala, hindi naman talaga matitiis ang nag-uumapaw na kacutan ni Baby Felize na kung saan nga ay naka-matching outfit sila ni Elisse sa kanilang suot na swimsuit. Agaw pansin rin ang taglay na kagandahan at kaseksihan ni Elisse sa kanyang mga suot na swimsuit.

Photo credits: Elisse Joson | Youtube

Masisilayan nga sa nasabing vlog na talagang nag-enjoy ang kanilang pamilya sa kanilang beach getaway. Ipinasilip rin ni Elisse ang kanilang masayang bonding moments sa kanilang pananatili sa Sirom Beach House. Isa ngang masaya at hindi makakalimutang bakasyon ang matagumpay na nagawa nina McCoy at Elisse kasama ang kanilang pamilya. At tiyak nga na ang kanilang masayang adventure ay isang hindi makakalimutang karanasan na kanilang dadalhin sa pagtanda.

error: Content is protected !!