Connect with us

Entertainment

Silipin ang Enjoy na Bakasyon nina Anne Curtis, Erwan at Solenn Heussaff sa Isla ng Boracay Kasama ang Kanilang Mga Cute na Chikiting

Magmula nang bumalik ng Pilipinas ang pamilya ng aktres na si Anne Curtis galing sa Australia kasama ang asawa nitong si Erwan Heussaff at kanilang napakacute na anak na si Baby Dahlia, ay talagang sinulit na nila ang bawat oras na mag-enjoy at makabonding ang mga kanilang mahal sa buhay.

At nang dumating nga sa bansa, ay agad nagkita ang magpinsang si Baby Dahlia, at si Baby Thylane na anak ni Solenn Huessaff at Nico Bolzico. Sa unang pagkakataon na nagkita at nagkasama ang magpinsan ay talaga nga namang close na close ang mga ito sa isa’t isa.




Samantala, matagal na ring hindi nakakabisita si Anne sa mga naggagandahan at ipinagmamalaking beach ng bansa. Kaya naman, isa rin sa talagang nais gawin ng aktres sa muling pagbabalik sa bansa, ay ang makapagbakasyon at makapagrelax sa napakagandang isla ng Boracay kasama ang kanyang pamilya. At siyempre, kasama na riyan ang paboritong playtime buddy ni Baby Dahlia na si Baby Thylane at ang ina nitong si Solenn.

At kamakailan lamang, ay ipinasilip ng mga celebrity mommies na sina Anne at Solenn sa kanilang social media account, ay masaya nilang bakasyon sa Boracay kasama ang kanilang mga anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Erwan Heussaff (@erwan)

Paglapag pa lang nga ng eroplano, ay agad na umawra si Anne sa harap ng camera upang ibahagi sa kanyang mga tagahanga, na ligtas at maayos ang kanilang paglalakbay, kung saan ay matiwasay silang nakarating sa Boracay.

“Touchdown Boracay! Had a safe and smooth flight aboard @airtrav.ph ✈️”,caption sa post ni Anne.

Samantalang sa Instagram story naman ni Solenn, ay makikita na nakasakay sila sa isang private plane patungo sa Boracay. At makikita rin na nakasuot pa sila ng facemask habang nasa biyahe bilang pagsunod sa safety protocols.




Nang makatapak na ang kanilang mga paa sa malaparaisong lugar ng Boracay, ay talaga nga namang kakamanghaan ang napakagandang tanawin na hatid nito, na mas pinaganda ng kulay puting dalampasigan.

Sa magandang tanawin pa lang nga, ay mabubusog na ang kanilang mga mata. Sa kanilang masayang bakasyon naman, ay hindi rin mawawala ang masayang bonding ng magpinsang sina Baby Dahlia at Baby Thylane. Maliban nga sa pagiging playtime buddy, ay breastfast buddy na rin ang dalawang cute na bata. Ang nasabing larawan, ay ibinahagi sa IG story ni Erwan, kung saan ay magkatabi sina Baby Dahlia at Thylane na nakaupo at kumakain ng sabay.




Labis naman ang tuwa ni Anne ng surpresahin sila ng Crimson Resort and Spa Boracay. May ibigay ring cake na may kasama pang video greetings kay Baby Dahlia. Maliban sa kanilang bakasyon, ay nagkaroon rin ng photoshoot si Anne, para sa summer campaign ng sarili niyang make-up brand, naBLK cosmetics.

error: Content is protected !!