Connect with us

Entertainment

Silipin ang Emosyonal na House Tour ng Komedyanteng si KaladKaren na Bunga ng Kanyang Pagsusumikap

Sa isang vlog ng kilalang news reporter na si Karen Davila, ibinahagi ng kaniyang impersonator na si KaladKaren ang bago nitong condominium unit.

Photo credits: Karen Davila | Youtube

Photo credits: Karen Davila | Youtube

Kitang-kita ang pagiging proud ng komedyante sa tirahan na kaniyang naipundar. Hindi rin naman niya mapigilan na balikan ang kaniyang mga napagdaanan bago niya naabot ang pangarap na ito. Kwento niya, matagal siyang nanirahan sa kaniyang lolo at lola dahil wala silang sariling tahanan.

Photo credits: Karen Davila | Youtube

Hindi rin nila nakakasama ang kaniyang nanay at tatay na noon ay nagtatrabaho bilang OFW. Sa kabutihang palad, nagbunga naman ang pagtatrabaho ng kaniyang mga magulang sapagkat nagkaroon din sila ng sariling tahanan. Sa kabila ng lahat, ipinangako pa rin ng komedyante na pag-iigihan niya ang pagtatrabaho upang siya ay makapag-ipon at makapagpundar din ng sarili niyang bahay.

Photo credits: Karen Davila | Youtube

Photo credits: Karen Davila | Youtube

Photo credits: Karen Davila | Youtube

Sa kabutihang palad, ngayon nga ay tinatamasa na ni KaladKaren ang bunga ng kaniyang limang taong pagsisipag sa trabaho dahil nagkaroon na siya ng kaniyang sariling bahay.

Pagpasok pa lamang sa condominium unit ay matatanaw na agad ang ganda ng view mula rito.

Photo credits: Karen Davila | Youtube

Photo credits: Karen Davila | Youtube

Kapansin-pansin ang napakaraming litrato ng masasaya at importanteng kaganapan sa buhay ni KaladKaren.

Photo credits: Karen Davila | Youtube

Photo credits: Karen Davila | Youtube

Makikita rin ang kaniyang mga parangal habang siya ay nag-aaral pa. Pagdating naman sa mga muwebles at kagamitan, ibinahagi niya na ang ilan sa mga ito ay mula sa kaniyang mga naging kaibigan sa showbiz.

Kasama rin ng komedyante ang kaniyang partner kaya naman hindi niya nakalimutang maglaan ng espasyo para sa kaniya.

Photo credits: Karen Davila | Youtube

Isa namang make-up station ang sariling espasyo ni KaladKaren kung saan makikita ang kaniyang mga personal na kagamitan. Bukod sa mga espasyong ito, binigyang-pansin din ng komedyante ang kaniyang kusina dahil kinahihiligan umano niya at ng kaniyang partner ang pagluluto.

Photo credits: Karen Davila | Youtube

Glamoroso naman ang dating ng powder room sa condominium unit na ito. Isa rin sa ipinakita ni KaladKaren ay ang kaniyang shoe collection at bags.

Photo credits: Karen Davila | Youtube

Photo credits: Karen Davila | Youtube

Matapos nito, ibinahagi rin niya ang kanilang loft bedroom.

Photo credits: Karen Davila | Youtube

Photo credits: Karen Davila | Youtube

Photo credits: Karen Davila | Youtube

Humanga rin ang mga netizens hindi lamang sa ganda ng dream house ni KaladKaren kundi pati na rin sa ipinakita niyang kagandahan ng loob. Ayon nga sa isang netizen,

“She’s not just funny, you know that she’s smart and super down to earth.”

error: Content is protected !!