Connect with us

Showbiz

Silipin ang Dream House ng Mag-asawang Camille Prats at VJ Yambao Para sa Kanilang Pamilya na Malapit ng Matapos

Pangarap naman talaga ng lahat ang magkaroon ng isang napakagandang bahay, na siyang magiging tahanan ng isang pamilya. Isang tahanan kung saan bubuuin ang mga pangarap sa buhay, kasama ang pamilya. At siyempre, hindi lamang basta matatawag na tahanan sapagka’t dito rin magmumula ang masasayang alaala na dadalhin habang buhay.




At para nga sa mga lumalaking pamilya ng mag-asawang Camille Prats at VJ Yambao, ay nagpagawa na sila ng dream house para sa kanilang pamilya. At kamakailan nga, nagbigay ng update ang aktres na si Camille Prats sa bahay na kasalukuyang ipinapagawa.

Photo Credits: Camille Prats Yambao | IG

Ngayon nga na ipinapatayo pa lamang ang kanilang dream house na may dalawang palapag, ay hindi maitago ng mag-asawa ang kanilang saya at excitement. Maituturing na dream come true para sa mag-asawa ang magpagawa ng bahay sa kabila ng pagsubok na kaakibat nito.

Hindi nga madali ang pinagdaanan nina Camille at VJ nang magpagawa ng bahay sa dami ng pagsubok na kanilang hinarap. Nang magsimulang magpatayo ng bahay noong 2019, ay nahinto ang construction dahil sa hindi inaasahang pagdating ng pandemya sa bansa. Matapos ang pansamantalang pagkaantala ng construction, ay nasundan naman ito ng dalawang malalakas na bagyo noong nakaraang taon.

Photo Credits: Camille Prats Yambao | IG

Bagama’t, nahirapan at talagang na-stress si Camille sa pinagdaanan sa pagpapatayo ng kanilang dream house, ay masaya naman siya dahil kaagapay at palaging nasa tabi niya ang kanyang asawang si VJ.




At sa latest update nga ni Camille sa construction ng kanilang dream house, ay nasa finishing stage na ang kabuuan ng kontretong bahay matapos ang isang taon. Hindi naman biro ang nagastos nila sa pagpapagawa ng bahay, kaya naman labis ang pasasalamat ng aktres sa Diyos, dahil bumubuhos ang biyaya sa kanilang buhay dahilan upang maipagpatuloy ang pagpagawa sa kanilang bahay.

Photo Credits: Camille Prats Yambao | IG

Matandaan na ikinasal sina Camille at VJ noong Enero 7, 2017 sa Nayomi Sanctuary Resort sa Batangas. Si Camille ay may panganay na anak sa pumanaw niyang asawa noon, samantalang si VJ ay may anak rin sa una niyang nakarelasyon.

At ngayon nga, ay biniyayaan na ng dalawang sariling anak ang kanilang masayang pagsasama, sina Nala at Nolan.

Photo Credits: Camille Prats Yambao | IG

Tiyak na ang ipinapatayong bahay na sadyang napakalawak at napakaganda, ay angkop na angkop para sa kanilang lumalaking pamilya. At sa nasabing bahay nga, ay sama-sama silang bubuo ng mga pangarap at masasayang alaala.

error: Content is protected !!