Connect with us

Entertainment

Silipin ang Dating Entertainment Room na I-trinansform ni Julia sa Napakaganda at Eleganteng Opisina sa Loob ng Kanyang Tahanan

Sa latest vlog ng aktres na si Julia Barretto na ibinahagi nito lamang ika-8 ng Mayo sa kanyang YouTube Channel, ay ipinasyal niya ang kanyang mga tagahanga sa paborito niyang area sa loob kanyang tahanan, ang kanyang home office.

Ang kanyang home office ay matatagpuan sa 3rd floor ng kanyang bahay, na ayon sa aktres ang naturang silid ay dating entertainment area o theater room kung saan niya tinatanggap ang kanyang mga bisita. Ngunit, dahil sa pandemya ay hindi na ito gaanong nagagamit, kaya naman nagpasya ang aktres na gawin itong office upang mas mapakinabangan.

Dahil nga, work from home na siya ngayon, ay talagang kailangan niya ng isang lugar na maayos at tahimik upang makapag-focus siya sa kanyang ginagawa.

Photo credits: Julia Barretto | Youtube

Photo credits: Julia Barretto | Youtube

Pagpasok pa lang sa loob ng home office ni Julia, ay bubungad ang malinis at maaliwalas na kapaligiran. Napakaelegante naman ang dating ng disenyo nito, lalo pa’t makikitang organized ang bawat kagamitang makikita rito.

Photo credits: Julia Barretto | Youtube

Sa mesa ni Julia na nagsisilbi niyang working station, ay makikita ang kanyang laptop, binabasang script sa trabaho, ilang mga libro, journals at marami pang iba. Binagayan naman ang office table na ito ni Julia ng dried flowers.

Photo credits: Julia Barretto | Youtube

Photo credits: Julia Barretto | Youtube

Sa gilid naman nito ay isang maliit na shelf kung saan nakadisplay ang maliliit na bagay na nagbigay rin ng disenyo sa kanyang home office.

Photo credits: Julia Barretto | Youtube

May makikita ring malaking TV sa loob ng kanyang home office. Katabi naman nito ang shelf kung saan nakadisplay ang kanyang mga natanggap na parangal bilang isang mahusay na artista sa showbiz. Makikita rin dito ang ilang nakaframe na larawan ng kanyang mga mahal sa buhay katulad ng kanyang ina, mga kapatid at boyfriend na si Gerald Anderson. Para nga kay Julia, ay puno ng mga masasayang alaala ang laman ng nasabing shelf.

Photo credits: Julia Barretto | Youtube

May wine collection ring makikita sa home office ni Julia. Mapapansin naman ang ilang paintings na nakasabit sa pader na nagbigay kulay at nakadagdag sa ganda ng kanyang home office.

Sa kabuuan nga, ay talagang nakamit ni Julia ang hinahanap niyang working place kung saan makakapag-focus siya sa kanyang trabaho. At ang lugar na ito ang kanyang pinakapaboritong area sa kanyang bahay na nagbibigay ng labis na kaligayahan sa aktres.

“This one is my favorite place currently in my entire house and brings me so much joy and so much creativity and so much focus.”

error: Content is protected !!