Connect with us

Entertainment

Silipin ang Creative Halloween Costume Transformation ng mga Celebrity Couples na Ito sa Showbiz

Nitong nagdaang pagdiriwang ng Halloween season ay kanya-kanyang patalbugan ang mga sikat na celebrities sa showbiz ng kanilang mga Halloween costumes. At makikita nga sa mga litratong ibinabahagi sa social media na talagang naging malikhain ang mga artista para sa kanilang halloween costumes. At hindi nga nagpahuli ang mga celebrity couples sa showbiz na ipamalas sa kanilang mga fans ang kanilang kahanga-hangang Halloween costumes na hango sa kanilang mga paboritong karakter sa mga movies.

Liza Soberano and Enrique Gil

Ang Kapamilya love team at real-life couple na sina Liza Soberano at Enrique Gil ay talaga namang pinaghahandaan ang Halloween season kada taon. Noong 2017, ay pinili ng magkasintahan ang nakakatakot na karakter. Si Liza nga ay nagbihis bilang Valak mula “The Conjuring” at “The Nun” habang si Enrique naman ay magbihis bilang Pennywise, isang clown mula sa “It.” At sa naganap namang Black Magic event ng Star Magic noong 2019, ay napili naman nila ang comedic characters nina Tiffany at Brittany Wilson mula sa “White Chicks.”

Kathryn Bernardo and Daniel Padilla

Pinahanga naman ng celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang kanilang mga fans sa kanilang Halloween tranaformation.

Ang aktres na si Kathryn ay nagbihis bilang corpse bride habang si Daniel naman ay naging zombie groom.

Sa Black Magic Halloween Ball naman ay nagbihis si Kathryn bilang Poison Ivy habang si Daniel ay nakaoutfit ng The Eye.

Angel Locsin and Neil Arce

Karakter naman sa “Game of Thrones” ang napiling Halloween costumes noong 2018 ng mag-asawang sina Angel Locsin at Niel Arce.

At ito nga ay mga karakter sina Daenerys Targaryen at Jon Sno. Pagsapit naman ng 2019, ay outfit bilang mga pirata ang napili ng dalawa.

Kim Chiu and Xian Lim

Sina Kim Chiu at Xian Lim ay dumalo sa Black Magic Halloween Ball noong 2019 kung saan ipinamalas ang kanilang costumes bilang undead mummy at immortal vampire.

Loisa Andalio and Ronnie Alonte

Sa pagdalo ng magkasintahang sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte sa Black Magic Halloween Ball, ay napili ni Loisa na maging demon Mazikeen sa movie na “Lucifer” suot ang kanyang all-black outfit. Habang si Ronnie ay naging chic vampire na nakasuot ng red contact lenses at kanyang suit.

Richard Gutierrez and Sarah Lahbati

Bagay na bagay naman talaga sa isa’t isa ang married couple na sin Richard Gutierrez at Sarah Lahbati sa kanilang Halloween costumes bilang legendary Elvis Presley at asawa nitong Priscilla Presley.

At noong 2019 naman ay naging vampire namang ang mag-asawa sa naganap na Metro Magazine Opulence Halloween party.

Maxene Magalona and Rob Mananquil

Ang mag-asawang Rob Mananquil at Maxene Magalona ay kinagiliwan ng kanilang fans sa visual renditions nh “Street Fighter” arcade gaming icons na sinaq Chun-Li at Ryu. Nagbihis rin ang mag-asawa bilang mga lead characters sa Breakfast at Tiffany’s” na sina Holly and Paul.

Nasubukan na rin nila ang karakter sina John Lennon at Yoko, at maging ang love team na sina Romeo at Juliet ay nagawa na rin nila sa mga Halloween events.

error: Content is protected !!