Connect with us

Entertainment

Silipin Ang Condominium Unit Ng Team Kramer Na May Napakagandang Disenyo na Modern-Rustic

Matatandaan na minsan nang ibahagi ng mag-asawang Doug Kramer at Cheska Garcia sa isang vlog ang progress sa interior ng kanilang ipinapagawang condominium unit. At nitong nakaraang buwan lamang ng Nobyembre, ay masayang ipinasilip ng mag-asawa ang loob ng napakagandang condo ng Team Kramer. Ayon naman kay Doug, ay pitong taon nila itong plinano bago mabigyang katuparan.

Photo Credits : Doug Kramer| YT

“You know, this is very special.Because when we moved to our home right now, that was two years in planning. This one is seven years.”

Sa tulong ng Gussy Design ay nabigyang katuparan ang disenyong nais ng Team Kramer, kung saan ang interior nito ay may modern-rustic mix design. Ibinahagi naman ni Cheska na ang nakikitang disenyo ng kanilang condo ay ang pinagsama nilang nais na disenyo.

Photo Credits : Doug Kramer| YT

“Doug and I, we really put a lot of our personalities together… Sometimes, what happens is Doug has a peg, and then I have a peg, and then when we send it to each other, it’s the same.”

Pagpasok sa loob ng condo ay sasalubong ang common space na binubuo ng dining, living at kitchen area. Karamihan naman sa mga kagamitan dito ay mga dati na nilang gamit mula sa kanilang lumang bahay, na kung saan nga ay pinaganda para muling magamit.

Photo Credits : Doug Kramer| YT

Muli namang nakipag-ugnayan ang Team Kramer sa mga supplier na dati nilang nakatrabaho katulad na lamang nga ng Triboa Bay Living kung saan nila nakuha ang napakagandang hanging lamps para sa kanilang dining area. Pagdating naman sa kitchen area, ay mapapansin na katulad parin ito ng dati ngunit mas pinaganda lang para maging komportable ang kanilang pamilya.

Photo Credits : Doug Kramer| YT

Tiniyak rin ng mag-asawang Doug at Kramer na ang bawat silid ng kanilang mga anak ay maganda, at komportable para sa mga ito. Sa silid nga ni Gavin ay masisilayan ang wood-themed design na binagayan naman ng touches of gray and white. Ang bedroom naman ni Scarlet ay may disenyo ng pinaghalong beige at pink na kinompleto naman ng rattan entertainment console at vanity table. Ang bedroom naman ni Kendra ay kapareho ng disenyo kay Scarlet, at pareho rin silang may sariling walk in closet.

Photo Credits : Doug Kramer| YT

Napakaganda rin ng master bedroom na nagsisilbing silid ng mag-asawang Cheska at Doug. Masisilayan nga ang malawak na silid kung saan ay may wood and stone themed. Ang master bedroom ay may walk-in closet at may nakalaan ring vanity area para kay Cheska. May sarili rin itong bathroom kung saan sa loob ay makikita ang bathtub para sa kanilang mag-asawa.

Photo Credits : Doug Kramer| YT

Mas lalo namang hahangaan ang condo unit ng Team Kramer, dahil ito nga ay isa ring smart home. Sa tulong nga ng Smart Homes ng AVDI, ay halos lahat ng kagamitan sa loob ng condo ay pawang automated. Katulad na lamang nga ng pagbukas at pagpatay ng ilaw, at maging ang pagbukas at sara ng mga blinds. Maging ang magpapaandar ng sound system ay automated rin.

error: Content is protected !!