Connect with us

Entertainment

Silipin ang Bungalow House ni Marvin Agustin sa Quezon City na Bunga ng kanyang Sipag at Tiyaga

Published

on

Isa nga sa hinahangad sa buhay ng karamihan sa atin ay ang magkaroon ng maayos na tirahan. Isang tirahan kung saan tayo bubuo ng mga masasayang alaala kasama ang ating pamilya. At ang pagkakaroon nga ng isang magarbong tahanan ay biyayang maituturing kapag ito’y ating nakamit. Ngunit, hindi naman madali ang pagtupad sa pangarap na ito dahil kinakailangan natin itong pagsumikapan.



Kagaya na lamang ng aktor na si Marvin Agustin na nakapagpundar ng isang napakagandang bungalow house na bunga ng kanyang pagsisikap sa trabaho at sa kanyang negosyo.

Marami nga ang namangha ng ipasilip ng aktor at negosyanteng si Marvin Agustin ang kanyang napakagandang bungalow house na matatagpuan sa White Plains, Quezon City kung san ay may modernong disenyo. Ngunit, bago pa man ito magkaroon ng modernong disenyo ay may kalumaan na ang disenyo ng nasabing bahay, kaya naman nagpasya si Marvin na bagohin at pagandahin ito ng naaayon sa uso. At ang nagbigay buhay at kulay nga sa kanyang napakagandang tahanan ay si Architect Cathy Saldaña na siya ring nagdisenyo ng kanyang restaurant.

Photo credits: Realliving   

Kitang-kita naman talaga ang magandang resulta at malaking pagbabago sa ginawang renovation sa bahay ng mahusay na aktor. Magmula nga sa magandang kombinasyon ng kulay na bluish-gray na pintura na sinamahan naman ng mga kahanga-hangang paintings, magagandang halaman at mga mamahaling kagamitan ay talaga nga namang napakaganda ng bahay ni Marvin.

Photo credits: Realliving

Photo credits: Realliving

Ngunit, higit namang ipinagmamalaki ng aktor ang kanyang swimming pool sa kanyang bakuran na masisilayan ang napakagandang tanawin pagsapit ng gabi kung saan ay may kahanga-hangang ‘Color-Logic Pool LED lighting system”, na nakakapaglikha ng limang iba’t ibang klase ng kulay.

Photo credits: Realliving



Pagdating naman sa living area, bagama’t makikita ang kasimplehan nito na kung saan ay maihahanlintulad sa mga hotel sa Paris, makikita naman ang kaayusan at agaw pansin rin ang naggagandahang mga furniture na dinisenyo nina Djer Paras at Budji Layug. Maging ang naglalakihang paintings na nakasabit sa pader ay kahanga-hanga rin.

Photo credits: Realliving

Photo credits: Realliving

Ang napakagandang dining area naman sa tahanan ni Marvin ay matatagpuan sa kabilang silid ng living room na mas lumutang ang angking ganda dahil sa kombinasyon nitong klasiko at modernong disenyo. Ang hapag-kainan ay na may 6 na upuan ay nagmula sa Komodo, samantalang ang mga makikitang kagamitan dito kagaya ng leather na upuan, mataas na halaman at isang lamp na may disenyong drum pendant ay mula kay Kenneth Cobonpue.

Photo credits: Realliving

Hindi naman magpapahuli ang interior design ng mga bedrooms sa tahanan ni Marvin dahil tila ito’y mga silid sa isang hotel sa ganda na may modernong disenyo. Kitang-kita rin sa salaming bintana ng silid ang magandang tanawin sa labas ng bakuran kung saan masisilayan ang swimming pool.

Photo credits: Realliving



Kahanga-hanga rin ang hallway sa bahay ni Marvin, dahil punong-puno ito ng mga kahanga-hangang paintings ng mga mahuhusay na pintor. May isang den rin ang bahay ni Marvin kung saan makikita ang 3 seater couch, armchair, at isang kahanga-hangang obra na Volkswagen Beetle. Ang naturang silid naman ay pinalutang ang ganda ng kombinasyon ng kulay beige at brown na pintura.

Photo credits: Realliving

Photo credits: Realliving

Talaga nga namang mamamangha ang sinumang makakakita at makakatungtong sa napakagandang bungalow house na ito ng aktor.

error: Content is protected !!