Connect with us

Entertainment

Silipin ang Buhay Ngayon ng Dating Sexy Star na si Amanda Page Matapos Iwan ang Mundo ng Showbiz

Published

on

Marami nga sa mga artista sa industriya ng showbiz ang hindi tumagal ang karera sa larangan ng pag-arte dahil matapos maranasan ang buhay sa harap ng kamera ay nagpasya nang lisanin ang mundo ng showbiz.

Isa na nga rito ang napakagandang aktres at dating sexy star na si Amanda Page na nakilala sa kanyang mahusay na pagganap sa mga pelikula noong dekada 90. Ipinamalas nga ni Amanda ang kanyang natatanging talento sa pag-arte, at maging ang mga daring roles na ibinibigay sa kanya ay nagampanan niyang mabuti.




Bagama’t, hindi naging madali ang pagsisimula niya sa showbiz, dahil nga lumaki sa abroad ay nahirapan siyang magsalita ng Tagalog, ngunit hindi naman ito naging hadlang upang ipamalas niya ang kanyang kahanga-hangang husay sa pag-arte.

Bumuhos nga ang proyekto sa dating sexy star, at isa nga sa mga pelikulang tumatak sa kanyang mga tagahanga ay ang pelikulang “Strict ang Parents Ko”, kung saan nakatambalan niya ang mahusay na aktor na si Gary Estrada. Mas lalo namang inabangan ang pelikula dahil maging ang mga beteranong artista na sina Elizabeth Ramsey at Chiquito ay nakasama rin niya sa nasabing pelikula kung saan ay gumanap naman bilang mga magulang niya.

Ngunit, nang nasa kalagitnaan na ng matagumpay niyang karera noong 2000, ay bigla nalang nagdesisyon si Amanda na lisanin ang mundo ng showbiz upang mamuhay ng pribado at tahimik kung saan magagawa niya ang anumang kanyang naisin sa buhay.




Nagpasya nga ang dating sexy star na bumalik sa United States upang doon na manirahan at magsimula ng panibagong buhay. Hindi nga nagtagal ay natagpuan na niya ang kaligayahan nang makapiling ang asawang si Dr. Lee Mendiola. Sa United States na rin sila bumuo ng pamilya, at ang kanilang masayang pagsasama nga ay biniyayaan ng isang anak na lalaki na pinangalanan nilang Mason.

At ngayon nga, ay isa nang hands-on mom si Amanda sa kanyang anak na si Mason. Dahil nga nag-aaral na rin si Mason, higit siyang kailangan ng kanyang anak, kaya naman ang atensyon niya ay palaging nakatuon sa kanyang anak. Maliban naman sa pagiging hands-on mom, may iba ring pinagkakaabalahan si Amanda. At ayon nga sa ilang source, ay abala rin siya sa kanyang trabaho bilang isang nurse sa Staten Island.

Bagama’t sa United States na naninirahan si Amanda kasama ang kanyang pamilya, hindi naman siya nakakalimot magbakasyon sa Pilipinas. At kapag nasa bansa nga ang aktres, binibisita rin niya ang kanyang mga kaibigan sa showbiz upang makabonding ang mga ito.




Pribado man ang napiling buhay ni Amanda, ay nagpapaunlak pa rin naman siyang makapanayam bilang guest ng ilang programa sa telebisyon sa tuwing bibisita siya sa bansa. Maging sa kanyang social media account ay masisilayan rin ang mga kaganapan sa buhay niya dahil nananatili itong bukas sa publiko.

error: Content is protected !!