Connect with us

Stories

Silipin ang Buhay ngayon ng Dating Actress-Singer na si Antoinette Taus na Walang Kupas parin ang Kagandahan sa Edad na 40

Kinilala si Antoinette Cherish Flores Taus o mas kilalang Antoinette Taus sa mundo ng musika at pag-aartista. Unang nakilala si Antoinette sa isag programa ng Abs-Cbn na isang youth oriented show noong 1992 na Ang TV.

Taong 1994 ng lumipat si Antoinette sa GMA Network at gumanap bilang Anna Karenina Anna Serano sa palabas na may kaparehong pangalan at bilang Bianca de Jesus naman sa palabas na TGIS.

2001 ng tumigil sa paglabas sa mga telebisyon si Antoinette at opisyal na inanunsyo ang  kanyang permanenteng pagtira sa Los Angeles America. Nanirahan si Antoinette sa Amerika ng halos isang dekada at umuuwi lang sa pinas paminsan minsan.

Taong 2004 ng pumanaw ang kanyang ina na si Cora. Naging inspirasyon ni Antoinette ang kanyang ina upang gumawa ng isang organisasyon na ang pakay ay pababain ang kahirapan sa Pilipinas, magpaabot ng tulong sa mga kumunidad kung saan kahirapan ang problema, magbigay ng kaalaman at kamalayan sa ilan sa mga problema ng ating kapaligiran katulad nalang ng global warming at climate change. Pinangalanan ni Antoinette ang kanyang organisasyon na ito na “CORA” na ang kahulugan ay (Communities Organized for Resource Allocation.)

Photo credits: antoinettetaus | IG

Aktibo din ang dating aktres-mangaawit sa mga makataong gawain at nagpapataguyod ng ibat-ibang kampanya katulad nalang ng patungkol sa mental health.

Tumigil man si Antoinette sa kanyang unang minahal na trabaho, ang pag-aartista at pag-awit, nagkaroon naman ng mas mahalagang misyon ang kanyang buhay ngayon kung saan ang pagtulong sa mga nangangailangan at sa kapaligiran.

Photo credits: antoinettetaus | IG

Noong September 26, 2019 nga, ay naging matunog ang pangalan ni Antoinette matapos siyang pinuri bilang National Goodwill Ambassador for Philippines ng United Nation Environment Programme para isulong ang sustainability at environmental protection.

Photo credits: antoinettetaus | IG

Photo credits: antoinettetaus | IG

Marami man ang nakaka miss sa mga TV appearances ni Antoinette, mas hinahangaan naman siya ngayon ng kanyang mga tagasuporta dahil sakanyang mga sininusulong na magagandang adbokasiya.

 

Ngayon ay nananatiling permanenteng naninirahan si Antoinette sa Estados Unidos kasama ang kanyang ama na si Tom Taus Sr. at kapatid na dati ding artista ngayon ay isa ng DJ na si Tom Taus. Madalas lang bumabalik si Antoinette sa Pilipinas dahil sa kanyang mga importanteng misyon.

Madami pa din ang walang tigil ang paghanga kay Antoinette dahil sa taglay pa din nito ang nakakamangha na ganda sa edad na 40.

Narito ang ilan sa kanyang mga kahanga hanga na larawan na nagpapakita na timeless ang kanyang kagandahan.

Photo credits: antoinettetaus | IG

Photo credits: antoinettetaus | IG

Photo credits: antoinettetaus | IG

Photo credits: antoinettetaus | IG

 

 

error: Content is protected !!