Connect with us

Entertainment

Silipin ang Bonggang Birthday Party ng Bunsong Anak ng Mag-asawang Isabel Oli at John Prats na Ginanap sa Garahe ng Kanilang Tahanan

Pinatunayan ng mag-asawang Isabel Oli at John Prats na hindi kailangan ng maganda at mamahaling lokasyon para sa isang birthday party. Nito lamang ika-17 ng Hulyo ay masayang nagdiwang ng kanyang 1st birthday ang bunsong anak ng celebrity couple na si Lilla Forest Prats.

At para maging bongga ang birthday celebration ni Baby Forest ay naging resourceful at creative ang mag-asawang Isabel at John. Dahil nga sa nararanasang pandemya, ay nagpasya ang mag-asawa na sa garahe ng kanilang tahanan ganapin ang venue ng 1st birthday ni Baby Forest.

Sa mga larawan na kuha ng Nice Print Photography, na ibinahagi ni John Prats sa kanyang social media ay makikita ang naging transformation ng kanilang garahe sa isang napakagandang teddy bear-themed birthday party na may kombinasyon ng disenyong yellow, orange at gold na isinakatuparan ng event designer na si Teddy Manuel.

Makikita naman na nakasuot ng kulay yellow ang kanilang buong pamilya para bumagay sa tema ng birthday party. At si Baby Forest nga ay napakacute pagmasdan sa suot nitong yellow dress.

Isa namang nakakaantig na mensahe ang ipinaabot ni John Prats sa social media para batiin ang kanyang bunsong anak sa espesyal na araw nito.

“Blessed 1st birthday my bunso. Sobrang saya ng puso ko at kasama ko kayo ngayong kaarawan mo. Maraming salamat sayo @forestprats sa ligayang dala mo sa aming lahat. Lagi lang kami andito ng mama mo para sa inyo. I love you anak!”

Pinasalamatan rin ni John Prats ang mga taong nasa likod ng matagumpay na birthday party ni Baby Forest na ginanap sa garahe ng kanilang bahay.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na naging isang magical party place ang garahe ng tahanan ng Prats dahil noong nakaraag taon lang din nang ganapin rito ang birthday ni John at Christian dedication naman ni Baby Forest. At ito rin ay idinisenyo ng mahusay event designer na si Teddy Manuel.

Ikinasal sina Isabel at John noong May 16, 2015 kung saan ang kanilang wagas na sumpaan ay nasaksihan ng kanilang mga mahal sa buhay. Ang kanilang matamis na pagmamahalan naman ay nagbunga ng tatlong anak, sina Feather, Freedom at Forest.

Hindi naging madali ang pinagdaanan ni Isabel nang ipagbuntis ang kanyang bunsong anak na si Forest dahil nga sa nararanasang pandemya. Ang isilang rin ito sa gitna ng pandemya ay naghatid ng pangamba kay Isabel. Ngunit, matapos nga ang isang taon ay naging ligtas at malayo sa sakit si Baby Forest, ay ngayon nga ay malusog sa pagdiriwang ng kanyang 1st birthday.

Isinilang ni Isabel si Baby Forest noong July 17, 2020.

error: Content is protected !!