Connect with us

Showbiz

Silipin ang Bonding Moments ng Mag-inang Anne Curtis at Baby Dahlia na talagang Ikinatuwa ng mga Netizens

Isa nga sa pinakaaasam ng isang magulang ang masubaybayan ang paglaki ng anak. Kaya naman, ang bawat sandali na kasama ang anak ay talagang ini-enjoy natin habang maliliit pa sila. Dahil kapag lumaki na sila ay hindi na natin magagawa ang nais nating gawin katulad na lamang ng pakikipaglaro.

Sadyang napakabilis rin ng paglipas ng panahon kung saan ang paglaki ng ating mga anak ay hindi natin namamalayan. Katulad na lamang ng napakacute na anak ng aktres na si Anne Curtis. Parang kailan lang nang isilang niya si Baby Dahlia, ngunit ngayon nga ay nalalaro na niya ito at marunong na ring tumawa kapag kinakausap.




Sa isang Instagram post nga ni Anne, makikita ang bonding moments nilang mag-ina kung saan ay nilalaro ni Anne ang anak. Nakakatuwa namang pagmasdan na sa bawat paglaro ni Anne kay Baby Dahlia ay napapabungisngis ito. Napakacute ng tinig ni Baby Dahlia sa bawat tawa nito na talaga namang mapapangiti ang sinumang makakarinig. Kaya naman, hindi rin maitago ni Anne sa kanyang mukha ang nadaramang kaligayahan sa milestone ng kanyang anak. Isa nga talagang precious moments nila together ang sandaling ito.

Ayon nga kay Anne ang munting tawa ni Baby Dahlia ang paborito niyang bagay sa buong universe. At tulad niya, ay mahilig ring magbungisngis ang anak. Tiyak na isang batang masayahin si Baby Dahlia sa paglaki nito.

“Her little laugh is my most favorite thing in the universe 🌈 Bungisngis like her mumma 🥰
Our ray of ☀️ during these crazy times.
Hope this puts a smile on your face 🥰

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith) on

Maliban naman sa bungisngis moments ni Baby Dahlia na ibinahagi ni Anne. Nagbahagi rin ang aktres sa Instagram ng larawan kung saan makikita na masaya silang nag-pipicnic. Dito nga ibinahagi ni Anne ang panibagong milestone ni Baby Dahlia kung saan ay nagagawa na nitong tumayo habang nakaalalay at hawak-hawak ni Anne.

“Having a backyard milk picnic with my little prairie doll to celebrate some milestones. 🌸
Sending out 15 MILLION thank you’s to my Instagram fam 😮.
Thank you for all the love as I share bits and pieces of my life with you – like how my darling Dahlia can now stand tall on her little legs with a bit of help from her mumma 🥰
Big kisses! Sending out love and light to all of you! Happy Weekend 💖

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith) on

Ang nasabing post na rin ang nagsilbing paraan ni Anne upang pasalamatan ang kanyang mga tagahanga matapos makamit ang 15 Million followers sa Instagram.




Talaga namang napakasarap sa pakiramdam ang masubaybayan ang paglaki ng ating mga anak. Bawat sandali ngang kasama sila ay ating ninanamnam upang magsilbing masayang alaala kapag lumaki na sila.

Noong March 2, 2020 isinilang ni Anne ang napakacute na si Baby Dahlia sa Autralia at ngayon nga ay apat na buwang gulang na si Baby Dahlia na kung ay makikita ang kanyang milestone bilang isang bata sa bawat araw.

error: Content is protected !!