Connect with us

Entertainment

Silipin ang Bagong Condominium ng Olympic Gold Medalist na si Hidilyn Diaz na Nagkakahalaga ng PhP14 Million

Talagang natuwa ang buong Pilipinas nang masungkit ni Hidilyn Diaz ang kauna-unahang olympic gold medal ng bansa sa ginanap na 2020 Tokyo Olympics. Milyon-milyon din ang natanggap ni Hidilyn dahil sa karangalang ibinigay niya sa bansa. Nakatanggap siya ng PhP10 million. Nagbigay rin ng PhP5 million ang Philippine Sports Commission habang nagbigay naman ng PhP10 million ang foundation ni Manny Pangilinan.

Photo credits: Hidilyn Diaz| IG| FB

Nakatanggap rin si Hidilyn ng PhP10 million mula sa San Miguel Corporation, PhP5 million mula sa foundation ni Dennis Uy, PhP3 million mula sa presidente ng bansa, PhP3 million mula kay Mikee Romero, at PhP3 million galing sa Philippine Olympic Committee. Nangako rin na magbibigay ang Max’s restaurant ng PhP3 million samantalang ang Zamboanga City ay nagbigay ng PhP2.5 million. Ang Universidad de Zamboanga naman at ang ilang senador ng bansa ay nagbigay ng PhP1 million.

Photo credits: Hidilyn Diaz| IG| FB

Bukod sa perang kaniyang natanggap, libre rin na makakasakay si Hidilyn sa AirAsia, Philippine Airlines, at Cebu Pacific Air. Mayroon ding nagregalo sa kaniya ng isang van, beauty package, free gas supply, at libreng meals sa iba’t ibang restaurants. Isa rin sa pinakamalaking regalo sa kaniya ay ang ilang residential units.

Photo credits: Hidilyn Diaz| IG| FB

Agosto noong nakaraang taon nang regaluhan ng Megaworld si Hidilyn ng isang brand new condominium unit sa One Eastwood Avenue. Nagkakahalaga ang fully-furnished condominium na ito ng PhP14 million. Ibinahagi naman sa social media ng executive vice president at chief strategy officer na si Kevin Tan ang bagong condominium.

Photo credits: Hidilyn Diaz| IG| FB

Ayon sa kaniya, regalo ito ng Megaworld kay Hidilyn lalo na at itinuturing nila ito bilang isang bayani. Bukod sa mismong condominium unit, pinaganda na rin ito ng interior design team ng Megaworld. Mayroon itong modernong disenyo at neutral-themed na kulay. Talagang makakapagrelax din dito si Hidilyn dahil sa floor-to-ceiling window kung saan makikita niya ang magandang view ng siyudad.

Photo credits: Hidilyn Diaz| IG| FB

Pagdating sa kusina, mapapansing kumpleto ito ng napakagandang mga ilaw at mamahaling kagamitan. Kapansin-pansin din ang isang portrait na gawa ng fine arts student na si John Ken Gomez. Dagdag pa sa napakagandang condo unit ni Hidilyn, maaari din niyang magamit ang badminton court, pool, bar, game room, at meditation garden. Maaari din siyang makapag-train sa fitness center ng condominium.
Dahil sa bagong bahay na ito ni Hidilyn, mayroon na siyang mas komportable at magarang tirahan para sa kaniya at sa kaniyang pamilya.

error: Content is protected !!