Connect with us

Entertainment

Silipin ang Bagong Condo Unit ng Dating PBB Housemate na si Karina Bautista na may Simpleng Disenyo

Ang 18 taong gulang na aktres na si Karina Bautista ay una nating nakilala at naging tanyag bilang “The Miss Independent of Isabela”, sa Bahay ni Kuya sa reality competition na “Pinoy Big Brother: Otso”.

Marami ang humanga sa kakayahan ni Karina at sa pagiging totoo niyang tao habang nasa Bahay ni Kuya kung kaya’t siya ang itinanghal na Batch Runner-Up ng 1st Teen Batch ng Pinoy Big Brother: Otso.




At tulad nga ng bansag sa kanya sa Bahay ni Kuya, hanggang ngayon nga ay independent parin si Karina sa buhay. Kamakailan nga, ay proud niyang ibinahagi na nakalipat na siya sa bagong bili niyang condo unit.

Sa latest vlog ni Karina, ay hindi siya nag-atubiling pagbuksan ng pinto ang kanyang mga tagahanga upang masilayan ang kanyang simple ngunit magandang condo unit.
Sa vlog na pinamagatang ,“Condo Tour” na mapapanood sa kanyang Youtube channel, ipinasilip ni Karina ang bawat sulok ng kanyang munting tahanan.

Ayon nga kay Karina, ay mas malaki at maaliwas umano ang bagong biling condo unit ngayon kesa sa nauna niyang tirahang condo magmula ng magsimula siya sa showbiz. Ang condo unit na ito, ay dati umanong studio type kung kaya’t may maaliwalas na espasyo. Dahil nga, dito ay masaya si Karina dahil siya ang nakabili at nakakuha ng condo.

Samantala, maliban sa bagong proyekto na pinagkakaabalahan ni Karina bilang aktres sa bagong online series na “The Four Bad Boys and Me” kung saan kasama sina Maymay Entrata, Chie Filomeno, Alora Sasam, Rhys Miguel, Kaori Oinuma, at ang ka-love team nito na si Aljon Mendoza, ay abala rin si Karina sa kanyang small business ng naggagandahang paintings.

Sa kanyang munting tahanan nga, ang paborito niyang lugar ay ang “working place” kung saan niya ginagawa ang mga personalized paintings na kanyang binibenta online. Sa Instagram page naman na @kdiamond.painting makikita ang mga nagagagandahang obra ni Karina.

Lingid nga sa kaalaman ng marami, ay may angking talento rin si Karina sa pagpipinta at bilang isang independent na tao, ay ginawa niya itong negosyo upang may mapagkakitaan.
Kapansin-pansin rin ang ilang halamang makikita sa simpleng tahanan ni Karina, at masasabi nga na isa na rin siyang plantita na mahilig mangolekta ng mga halaman.




Samantala, umaasa naman si Karina na makakabuo siya ng masasayang alaala sa bagong condo na nilipatan niya.

“Hopefully, makagawa ng mga bagong memories dito dahil ang dami kong naiwan du’n sa kabila.”

error: Content is protected !!