Connect with us

Entertainment

Silipin ang Bagong Biling Condo Unit ni Dimples Romana na Bunga ng kanyang Pagsisikap

Published

on

Ang Kapamilya aktres na si Dimples Romana ay hindi maikakaila ang angking talento sa pag-arte. Isa nga sa mga teleseryeng kanyang ginampanan na nagbigay sa atin ng bugso ng damdamin ay ang pagganap niya bilang kontrabida sa “Kadenang Ginto” bilang Daniela Mondragon. Bagama’t, pagiging kontrabida ang ginampanan ng aktres sa teleserye, isa naman siyang napakabuting tao sa totoong buhay.

Dahil nga sa pagsusumikap ng aktres sa kanyang trabaho bilang isang mahusay na artista at pagiging mabuting tao, bumuhos sa kanya ang mga biyaya. Kaya naman, kamakailan lamang nang ibahagi niya kung gaano siya kasaya sa bagong biyayang kanyang natanggap na bunga ng kanyang pagsisikap.



At ang biyaya ngang labis nagbibigay ng kaligayahan ngayon kay Dimples ay ang bagong biling condo unit sa Rockwell area sa Makati.

Sa kanyang Instagram Account, ibinahagi ni Dimples ang larawan kung saan kasama niya ang asawang si Boyet Ahmee na masayang naka-posing sa bahagi ng unit kung saan makikita ang magandang tanawin ng Makati skyline.

“Today’s milestone. Offering this blessing to my Papa in heaven. My grateful heart sings praise for Your unending grace and love Father God. May the weekend bring forth blessings of peace and joy to you and your family! Magandang hapon po sa lahat from me and my love team for life.”

Sa isa namang larawan, makikita ang malawak na espasyo sa loob ng kanyang unit kung saan masisilayan ang liwanag ng sikat na araw mula sa mga salaming bintana ng condo.

Marami naman sa kanyang mga malalapit na kaibigan sa showbiz ang nagpaabot ng kanilang pagsuporta, kabilang na nga rito sina Neri Miranda, Erik Santos, at Ruffa Gutierrez.



Ang co-star naman niya sa One More Chance at matagal ng kaibigan sa showbiz na si Bea Alonzo ay nagkomento ng: “I’m so proud of you.”

Samantalang si Adrian Lindayag na gumanap bilang Niel sa Kadenang Ginto ay nagsabi naman na:

“I remember clearly how this dream was prayed for, manifested, and materialiazed. Inspirasyon kayo Ate Dimples [at] Kuya Boyet.”

Ayon naman kay Dimples, ang bagong biyaya niyang natanggap na ito ay bunga umano ng kanyang pagsisikap sa trabaho, sa dalawa niyang teleserye, ang Bagani at Kadenang Ginto. Labis nga ang pasasalamat ni Dimples sa biyayang kanyang tinatamasa ngayon.

Congrats Dimples. Godbless you more!

error: Content is protected !!