Connect with us

Entertainment

Silipin ang Bachelor Condo Unit ng Aktor na si Sam Milby Kung Saan may Sarili siya Ditong Recording Studio

Sa pagdedesenyo ng ating sariling tahanan, nagkakaroon tayo ng kalayaan na gawin ang ating gusto kaya naman kadalasan, lumalabas ang ating pagkamalikhain. Makikita nga natin ang iba’t ibang malikhain at kakaibang mga disenyo at dekorasyon sa mga tahanan ng mga sikat na personalidad. Isa na nga rito ang tahanan ng artistang si Sam Milby.

Unang ipinasilip ng aktor ang kaniyang condominium unit sa kilalang TV host na si Kris Aquino ngunit binuksan ulit ni Sam ang kaniyang tahanan para sa isang vlog ni Alex Gonzaga.

Photo credit: Alex Gonzaga | Instagram

Dahil dito, talagang lalo pang nakita ng mga tao ang kagandahan ng tahanan ni Sam. Kakaiba rin ito kumpara sa ibang condominium unit dahil mayroon itong industriyal na tema kaya naman kapansin-pansin ang brick walls dito gayundin ang iba pang mga elemento na gawa sa kahoy.

Photo credits: Alex Gonzaga | Youtube

Bukod dito, makikita rin ang ilang artworks at ang ilang kakaibang kagamitan gaya ng isang chalkboard kung saan isinusulat ng aktor ang ilang paalala o importanteng gawain.

Photo credits: Alex Gonzaga | Youtube

Makikita rin ang isang espasyong inilaan ng aktor para sa kaniyang polaroid photos.

Photo credits: Alex Gonzaga | Youtube

Isa rin sa kahanga-hangang elemento ng lugar ay ang isang book shelf na gawa sa iron pipe.

Photo credits: Alex Gonzaga | Youtube

Hindi lamang swak ang lugar na ito para sa binatang aktor dahil makikita sa open layout ng kaniyang kusina na perpekto rin ito kung mayroong mga bisita si Sam. Mapapansin din na pasok sa industriyal na tema ang disenyo ng kusina lalong-lalo na dahil sa kakaibang tiles na ginamit dito.

Photo credits: Alex Gonzaga | Youtube

Pagdating naman sa living area ng condo unit, mapapansin na kumpara sa ibang bahagi ng bahay ni Sam, maliliwanag na kulay ang makikita dito kaya naman talagang perpektong magrelax dito.

Photo credits: Alex Gonzaga | Youtube

Photo credits: Alex Gonzaga | Youtube

Dagdag pa sa komportableng espasyo ang napakagandang view mula sa condo unit ni Sam. Isa rin sa kakaibang silid ng bahay ay ang kaniyang recording studio. Kwento ni Sam, minsan nang nakapag-record dito ang kaniyang malapit na kaibigan na si Moira Dela Torre.

Photo credits: Alex Gonzaga | Youtube

Talagang kakaiba ngunit bagay na bagay ang tema ng buong bahay kay Sam.

Photo credits: Star Studio

Photo credits: Star Studio

Photo credits: Star Studio

Photo credits: Star Studio

Photo credits: Star Studio

Photo credits: Star Studio

Sa oportunidad na kaniyang ibinigay upang makita ng kaniyang mga fans ang pribadong bahay na ito, maaari ding makapagbigay si Sam ng ideya o inspirasyon para sa mga taong nais rin magkaroon ng ganitong klase tema sa kani-kanilang sariling tahanan.

error: Content is protected !!