Connect with us

Entertainment

Silipin Ang 4-Storey Modern House Sa Antipolo Ng Aktres At Komedyanteng Si Pokwang Na Bunga Ng Kanyang Sipag at Tiyaga

Dahil nga sa kanyang sipag, tiyaga at diskarte ay malayo na ang narating sa buhay ng aktres at komedyanteng si Pokwang. At isa nga sa bunga ng kanyang sipag at tiyaga ay ang kanyang naipundar na 4-storey modern house na matatagpuan sa Antipolo.

Photo Credits: Pokwang |IG

Noong 2012 nga nang una itong ipasilip ni Pokwang sa publiko kung saan ay naitampok sa Yes Magazine Team. Ang napakagandang bahay ni Pokwang ay sinimulang itinayo noong 2010, at ang napakadang disenyo na masisilayan sa bahay ng komedyante ay binigyang katuparan ng interior designer na si Janet Diquiatco-Torio.

Photo Credits: Real Living | Entertainment Website

Ang napakagandang bahay ni Pokwang na may apat na palapag at modernong disenyo ay naglalaman ng walong silid, at walong banyo. Sa ganda at laki ng bahay na naipundar ni Pokwang ay masasabi na isa talaga itong napakagandang investment na pinaglaanan ng kanyang kita sa pag-aartista.

Photo Credits: Real Living | Entertainment Website

Pagpasok pa lamang nga ay agad bubungad ang maraming koleksyon ni Pokwang, katulad na lamang nga ng Swarovski crystal na napakaganda. Makikita naman sa ilalim ng build in ledge ang isang koi fish figurine, Buddha. Ang isa namang koi fish painting na makikita sa dingding na gawa ni Jef Lorente.

Photo Credits: Real Living | Entertainment Website

Sa living room naman ay masisilayan ang malawak at maaliwalas na lugar na kung saan ay pinaganda ng makulay nitong disenyo. Makikita rito ang isang komportableng sofa, at nakadisplay rin ang isang napakagandang obra na gawa ni Chico Javier.

Photo Credits: Real Living | Entertainment Website

Kapansin-pansin naman na sa bawat sulok ng napakagandang bahay ni Pokwang ay makikita ang mga kahanga-hangang likhang sining. Patunay lamang nito na mahilig talaga ang komedyante sa sining. May nakalaan ring silid ang bawat miyembro ng kanilang pamilya. Maging ang pumanaw na anak ni Pokwang, na kahit nasa kabilang buhay na ay tila kasama parin nila sa bahay dahil may sarili din itong silid.

Photo Credits: Real Living | Entertainment Website

Ang napakagandang silid naman ni Pokwang ay matatagpuan sa ikatlong palapag kung saan nga ay masisilayan ang lawak at ganda ng disenyo nito. At bilang isang artista ay hindi nawala sa kanyang silid ang sarili niyang walk in closet kung saan nakatago ang kanyang mga kagamitan. Sa loob ng kanyang bahay ay may inilaan ring prayer room ang aktres para sa kanilang pamilya.

Photo Credits: Real Living | Entertainment Website

Napakaganda naman talaga ng bahay ni Pokwang dahil sa moderno nitong disenyo. Sa labas nga ng bahay ay kitang-kita na ang taglay na ganda at lawak nito. Ang napakagandang bahay na ito ni Pokwang ay matatagpuan sa Antipolo, at hindi naman maikakaila na sa laki at ganda nito ngayon, ay malaking halaga rin ang kanyang nagastos para maipatayo ito.

error: Content is protected !!