Connect with us

Entertainment

Sila Pala ang mga Dating Artista na Matapos Iwan ang Showbiz ay Marangya na Ngayong Naninirahan sa Ibang Bansa

Sa buhay nga ng isang artista ay masasabi natin na hindi sa lahat ng pagkakataon ay sila ay masaya, dahil kapalit ng kasikatan na kanilang tinatamasa ay ang pagiging bukas naman sa publiko ng kanilang buhay kaya naman halos wala na silang Kalyaan na gawin ang mga bagay na nais nila lalo na kung ito’y maaring makasira sa karera na kanilang tinatahak.

Kaya naman hindi na nga nakapagtataka kung may ilang mga artista na pinipiling talikuran ang kinang ng showbiz para lamang mamuhay ng pribado at tahimik.

1. Krista Ranillo


Iniwan ng dating sexy-actress na si Krista Ranillo ang showbiz noong taong 2009 upang manirahan sa Amerika. Siya ay kasal na sa kanyang asawa na isa ring Pinoy, at ang kanila ngang pagsasama ay biniyayaan na ng limang mga anak.

2. Carol Banawa

Hindi naman pinagsisihan ng dating sikat na singer na si Carol Banawa ang kanyang desisyon na iwanan ang kanyang singer career sa Pilipinas noong taong 2010 para manirahan sa ibang bansa.
Sa ngayon ay isa ng nurse sa Amerika si Carol, at siya nga ay mayroon ng asawa at dalawang anak.

3. Nancy Castiglione

Masaya na ngayong naninirahan sa ibang bansa ang dating aktres na si Nancy Castiglione. Mayroon na siyang kambal na anak at siya nga ay nagtatrabaho ngayon bilang isang broker.

4. RJ Padilla

Taong 2017 ng tuluyang iwan ni RJ Padilla ang showbiz, ito ay upang manirahan na nga sa Autralia kasama ang kanyang asawa at dalawa nilang anak.

5. Cindy Kurleto

Marami ang nabigla ng iwanan ni Cindy Kurleto ang showbiz taong 2017. Mas pinili nga ni Cindy na manirahan sa bansang Peru kasama ang kanyang asawa. Sa ngayon ay naninirahan na si Cindy sa Austria kasama ang kanyang dalawang anak.

6.Beth Tamayo

Iniwan ni Beth Tamayo ang kanyang showbiz career sa PIlipinas noong taong 2008. Aminado ang dating aktres na sa una ay hindi naging madali ang kanyang buhay sa Amerika dahil namasukan muna siya ng iba’t ibang trabaho sa naturang bansa bago nga siya naging isang executive assistant sa isang investment company sa US.

7. Kim De Los Santos

Labing anim na taon na ang matuling lumipas ng magdesisyon ang dating teen star na si Kim De Los Santos na iwanan na ang showbiz at manirahan na sa ibang bansa. Sa ngayon ay isa na siyang nurse sa New Jersey.

8.Ehra Madrigal

Taong 2013 ng iwan ng aktres na si Ehra Madrigal ang showbiz. At ngayon ay naninirahan na at maganda ang pamumuhay sa Amerika ng dating aktres kasama ang kanyang asawa.

9. G Tongi

Isa na ngayong TV show producer sa Amerika ang dating celebrity sa Pilipinas na si G Tongi. Mayroon na rin siyang asawa at dalawang anak.

10. Jewel Mische

Mas pinili ni Jewel Mische na manirahan sa Amerika kasama ang kanyang asawa at kanilang dalawang anak. Sa kabila nga ng kanyang kasikatan noon sa showbiz ay nilisan niya ito noong taong 2013.

11. Ate Glow

Siya ang kilala at popular na imporsenator ni Gloria Macapagal Arroyo. Siya ngayon ay kilala na bilang si Rene Pacunla at sa United Kingdom na nga nakatira. Siya ay mayroon na ring asawa na isang Briton.

12. Anjanette Abayari

Halos dalawang dekada na rin ng iwan ng dating gumanap rin bilang ‘Darna’ na si Anjanette Abayari ang Philippine Showbiz Industry, upang manirahan ng tahimik sa Amerika kasama ang kanyang pamilya. Sa ngayon ay mayroon ng dalawang anak ang dating aktres.

13. Tootsie Guevarra

Sumikat bilang isang mahusay na mang-aawit si Tootsie Guevarra dahil sa kanyang awiting “Kaba” noong dekada 90. Taong 2004 ng siya ay mag-migrate sa Amerika upang doon na manirahan. Sa ngayon ay masaya itong namumuhay kasama ang kanyang asawa at mga anak.

14. Princess Punzalan

Isa sa mga pinaka-primerang kontrabida noon sa showbiz si Princess Punzalan. Ngunit taong 2005 ay iniwan ang kanyang karera upang mag-migrate sa ibang bansa. Ngayon ay mayroon na itong simpleng buhay may asawa at isa na ring nurse sa Amerika.

15. Joyce Jimenez

Ang dating pantansya ng bayan na si Joyce Jimenez ay sa Amerika na ngayon naninirahan kasama ang kanyang sundalong asawa at tatlo nilang mga anak. Matatandaan na iniwan ni Joyce ang showbiz noong taong 2008.

error: Content is protected !!