Connect with us

Entertainment

Sila ang mga Sikat na Celebrity Couples na Naghiwalay Dahil sa Third Party

Kapag pumasok sa isang relasyon ay kaakibat nito ang isang responsibilidad. Responsibilidad na pangalagaan ang relasyon, magtiwala at mahalin ang kabiyak ng puso.

Ngunit, sa gitna ng masayang relasyon ay may mga nararanasang mga pagsubok. Pagsubok na magdadala sa katatagan ng pagsasama, o dahilan ng pagwawakas ng pag-iibigan. At isa nga sa dahilan ng maraming nagmamahalan sa kabilang paghihiwalat ay ang masangkot sa third party.

Katulad na lamang ng mga sikat na celebrity couplesna ito na naghiwalay matapos masangkot ang kanilang relasyon sa third party.

1. Sunshine Dizon and Timothy Tan

Photo credits: google.com

Nagkaroon ng kontrobersya ang hiwalayan ng aktres na si Sunshine Dizon at pilot husband nitong si Timothy Tan noong 2016. Ito nga ay dahil may sangkot na ibang babae sa kanilang relasyon, na kung saan ay lakas loob na pinangalanan ni Sunshine. Nauwi rin sa pagsampa ng kaso ni Sunshine sa dalawa ng Violence Against Women and Children at Concubinagi. Ngunit, sa huli ay nagpasya ang aktres na iurong ang kaso.

2. Kim Chiu and Gerald Anderson

Photo credits: google.com

Ang pagmamahalan nina Kim Chiu at Gerald Anderson na nagsimula sa kanilang tambalan on-screen na nauwi sa tunay na buhay, ay nagwakas rin dahil sa third party. Sa isang interview nga, ay sinabi ni Kim na alam niya ang pakiramdam na niloko ng kanyang ex-boyfriend.

3. Martin Nievera and Pops Fernandez

Photo credits: google.com

Ang pag-iibigan nina Martin Nievera at Pops Fernandez na nauwi sa kasalan ay nagbigay ng kaligayahan sa kanilang mga tagahanga. Ngunit, matapos ang 13 taong pagsasama bilang mag-asawa ay nag-file ng annulment si Pops dahil umano sa alleged infidelity ni Martin. At ito nga ay naaprobahan nang sumunod na taon. Samantala, nanatili namang magkaibigan si Pops at Martin at ilang ulit ring nagkasamang mag-perform sa concert.

4. Ciara Sotto and Jojo Oconer

Photo credits: google.com

Third party rin ang itinuturong dahilan ng paghihiwalay nina Ciara Sotto at ng kanyang dating asawa na si Jojo Oconer. Matapos maghiwalay, ay tumira si Ciara sa bahay ng kanyang mga magulang na sina Helen Gamboa at Tito Sotto kasama ang kanyang anak na si Crixus. Kinumpirma naman ni Ciara ang dahilan ng kanilang hiwalayan sa pamamagitan ng isang post sa social media.

5. Nikki Gil and Billy Crawford

Photo credits: google.com

Ang kanilang 5 taong relasyon nina Nikki Gil at Billy Crawford ay nauwi sa hiwalayan na ikinagulat ng kanilang mga tagahanga. Sa isang magazine interview, ay nabanggit ni Nikki na nagkaroon ng ibang babae si Billy. At ang pangalan ng aktres na si Coleen Garcia ang lumutang na dahilan ng kaniilang hiwalayan. Si Coleen ay asawa na ngayon ni Billy at may isa ng anak. Samantalang si Nikki naman ay kasal na sa kanyang asawang si BJ Albert at may anak na rin.

6. Sunshine Cruz and Cesar Montano

Photo credits: google.com

Natuldukan rin ang pagsasama ng dating mag-asawang sina Sunshine Cruz at Cesar Montano matapos ang 13 taong pagsasama. At ang dahilan nga ay nalink si Cesar kay Krista Miller, na dinidirek niya noon sa isang pelikula. Ayon naman kay Sunshine, ay nagpapadala ng sexy pictures si Krista kay Cesar, na mariing itinanggi ng aktres, pati na rin ang namamagitan sa kanila. Ngayon, ay masaya na si Sunshine sa piling ng kanyang boyfriend na si Mackie Mathay na tumatayong ama sa kanyang tatlong babaeng anak.

7. Donita Rose and Eric Villarama

Photo credits: google.com

Inamin naman ni Eric Villarama noong 2016, na nagkaroon siya ng ibang babae dahilan nga upang magwakas 12 taong pagsasama nila ng kanyang dating asawa na si Donita Rose.

8. Dawn Zulueta and Richard Gomez

Photo credits: google.com

Marami ang pinakilig nina Dawn Zulueta at Richard Gomez sa kanilang loveteam noong dekada 90 na nauwi sa tunay nabuhay. Ngunit, ito’y nagwakas dahil umano sa third party.

error: Content is protected !!