Connect with us

Entertainment

Sila Ang Mga Sikat Na Celebrities Sa Showbiz Na Taglay Parin Ang Kahanga-hangang Kagandahan At Kaseksihan Kahit Nasa Edad 50’s Na

Tila nga “50 is the new sexy” dahil ang taglay na kagandahan at kaseksihan ng mga sikat na celebrities na ito ay hindi kumukupas kahit nga nasa edad 50’s na.

Hindi naman maikakaila na ang mabuti at maayos na pangangalaga sa katawan, ay nagdudulot ng maganda kung saan nga bukod sa pagiging malusog ay bumabata ring tingnan.

At pagdating sa pagiging fit at seksi, ay hindi naman talaga magpapahuli ang mga Pinay celebrities na kahit nga nasa edad 50 pataas ay pinatunayan na taglay parin nila ang kahanga-hangang kagandahan at kaseksihan.

Cherie Gil

Photo Credits to the Owner

Dekada 70 pa lamang ay nasa showbiz ma ang aktres na si Cherie Gil. Ang kanyang matagumpay na karera ay nasaksihan ng publiko. Ngunit sa pagdaan ng panahon, ay kapansin-pansin naman tila hindi nadadagan ang kanyang edad. At ngayon nga na 58 taong gulang na ang beteranang aktres ay napanatili nito ang kanyang taglay na kagandang at fit na katawan.

Amy Austria

Photo Credits to the Owner

Ang aktres na hinangaan ng marami ang husay sa pag-arte magmula noong dekada 70 na si Amy Austria ay 60 taong gulang na ngayon. Kahit nga isa nang ganap na senior citizen, ay hindi naman magpapakabog si Amy pagdating at paseksihan. At masisilayan nga sa kanyang social media account ang kanyang fresh at talaga nga namang young looking photos.

Zsa Zsa Padilla

Photo Credits to the Owner

Hindi lamang nga ang husay sa pag-awit ng singer na si Zsa Zsa ang hinahangaan sa kanya ng publiko, kundi pati na rin ang kanyang walang kupas na kagandahan. 57 taong gulang na ngayon si Zsa Zsa, at hindi naman talaga maikakaila na nagawa niyang mapanatili ang kanyang magandang mukha at fit na katawan.

Carmi Martin

Photo Credits to the Owner

Hindi rin nagkulang sa pangangalaga sa kanyang katawan ang beteranang aktres na si Carmi Martin. Ngayon nga ay 57 taong gulang na si Carmi ngunit sa kabila ng kanyang edad, ay lutang na lutang parin ang kanyang natatanging kagandahan at kapansin-pansin rin ang kanyang kaseksihan.

Eula Valdez

Photo Credits to the Owner

Nagawa ring panatilihin ng aktres na si Eula Valdez ang kanyang magandang mukha at fit na katawan. Sa edad na 53 taong gulang, ay nangingibabaw parin ang kahanga-hangang kagandahan ni Eula. Dekada 80 nang makilala sa showbiz si Eula, at hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na namamayagpag ang kanyang karera.

Pops Fernandez

Photo Credits to the Owner

Sa kanyang edad na 55 taong gulang, ay masisilayan parin sa singer-actress na si Pops Fernandez ang kanyang natatanging kagandahan. At dahil sa maayos na pangangalaga sa kanyang katawan sa pamamagitan ng pagwowork out ay talaga namang kahanga-hanga ang ganda ng kanyang fit na katawan sa kabila ng kanyang edad.

error: Content is protected !!