Connect with us

Entertainment

Sila Ang Mga Sikat Na Celebrities Sa Showbiz Na Proud sa Kanilang Pagiging Retokada

Maliban sa kanilang taglay na talento, ay ang magandang mukha ang nagsisilbing puhunan ng mga sikat na celebrities sa showbiz para mas lalong makilala at sumikat. Kaya naman, may ilang mga celebrities na para mas lalong gumanda ay nagpaparetoke. Kung ang ilang celebrities ay palihim o tinatago sa publiko na sila ay nagparetoke, at hindi talaga umamin, may ilan naman na talagang lantaran sa publiko at proud sa kanilang pagiging retokada.

Kilalanin ang ilang celebrities sa showbiz na aminadong nagparetoke at proud sa kanilang pagiging retokada.

Chie Filomeno

Ang aktres at dancer na si Chie Filomeno ay inamin na siyang nagparetoke ng kanyang ilong. Sa isang panayam sa Tonight With Boy Abunda ay lakas loob na umamin ang dating GirlTrends member ma si Chie Filomeno. At ayon nga rito, ay walang masama sa pagpaparetoke lalo na nga kung wala namang tinatapakang tao.

“There is nothing wrong in enhancing something that you have. It’s your own choice as long as wala kang tinatapakang tao, go with it.”

Minsan na ring ibinunyag ni Chie ang dahilan kung bakit siya nagpasyang magparetoke ng kanyang ilong. At ang dahilan ng kanyang rhinoplasty ay para ayusin ang kanyang ilong matapos masira ng doctor noong siyang isilang habang ginagawa ang caesarean. Ito nga ay nag-iwan ng peklat sa kanyang ilong dahilan nga para magkaroon siya ng insecurity sa kanyang sarili. Madalas rin siyang tuksuin noong siya’y bata pa dahil sa kanyang ilong. Kaya naman, nagpasya na siyang ipaayos ito, at hindi niya ito ikinakahiya dahil malaki ang naitulong nito para muli siyang magkaroon ng kumpiyansa sa kanyang sarili.

Arci Munoz

Mas lalo namang gumaganda ang aktres na si Arci Munoz sa paglipas ng panahon. Magmula nang unang masilayan ng publiko sa StarStruck ay mas lalong naging agaw pansin ang kanyang kagandahan ng aktres. Hindi rin naman lingid sa publiko na isa si Arci sa laman ng usapang nagparetoke. At noong ngang 2017 nang sinagot na ni Arci ang tungkol sa isyung ito.

Matapos kumalat ang mga larawan ni Arci sa social media kung saan makikita ang kanyang ilong na mas maliit nang tingnan kumpara dati, ay agad na inulan ng negatibong komento ang aktres. Ngunit, sa halip nga na panghinaan ng loob, nang tanungin siya ng isang reporter kung aaminin ba niya o itatanggi ang isyung siya’y nagparetoke ay lakas loob niya itong sinagot.

“Deny? No, never, what’s wrong with that? As if naman I committed a crime.”

Ericka Villongco

Ang teen pop singer-turned-vlogger na si Ericka Villongco ay bukas na pag-usapan ang kanyang beauty enhancement sa kanyang YouTube Channel. Nakabase ngayon si Ericka sa Los Angeles, at madalas niyang ibahagi sa publiko ang kanyang journey sa kanyang surgery. Nagbibigay rin si Ericka ng reviews sa kanyang mga viewers sa pinagdaanang procedure kung sakaling nais ring sumailalim ng mga ito. Pag-amin nga ni Ericka ay sumailalim siya sa breast augmentation surgery at rhinoplasty.

“I’m a huge fan of the beauty cosmetic industry, and I truly believe there is nothing wrong with enhancing one’s beauty. I’m not ashamed to break stereotype molds created by the past generations or to break down the toxic Filipino hate culture.”

Angeline Quinto

Ang aktres at singer na si Angeline Quinto ay minsan nang naging laman ng social media matapos niyang tawagin ang kanyang sarili bilang “proud retokada”. Hindi lamang isa, kundi maraming beses na nagparetoke ni Angge kagaya na lamang ng eyelid surgery, arm liposuction, belly liposuction, Thermage, at breast reduction.

“Big deal sa ibang tao ang pagpaparetoke ng ibang artista, hindi naman ho namin itatago kung ano ang ipinaayos namin. Never ko ikinahiya kung ano ang mga pinagawa ko . At hanggang ngayon napakalaking issue sa iba. Parte ho ng trabaho ‘yun at kung may pangbayad naman bakit hindi.”

Janine Berdin

Marami ang nagulat sa transformation ng sikat na singer na si Janine Berdin matapos masilayan ang new look nito ma sadyang napakaganda. Hindi naman na itinanggi pa ni Janine na nagpa-rhinoplasty siya para tumangos ang kanyang ilong.

“If there’s something you don’t like about yourself and you are not happy about it, then you can do something. Do something to make yourself happy. You only live once, hindi ba? Just do things that will make you happy. Kasi kapag hindi ka masaya sa sarili mo, magre-reflect. Kasi nakikita ko rin sa mga post ko rati mga videos ko parang nakikita ko rin kung gaano ako ka-self-conscious. Now when I look at my photos now, when I look at all the videos I take, parang ang saya ko. Parang nakikita ko na ang saya ko na, parang ang saya ko na sarili ko.”

error: Content is protected !!