Connect with us

Entertainment

Sila Ang Mga Sikat na Celebrities sa Showbiz na Magkakamag-anak Pala

Lingid nga sa kaalaman ng marami, na ang mga sikat na artista sa showbiz na madalas nating napapanood sa telebisyon at mga pelikula, ay mga magkakamag-anak pala. Hindi nga aakalain na sila’y magkadugo lalo na’t hindi sila magkaapelyido at mas lalong hindi rin sila magkamukha.

Marahil nga, ay hindi sila nakitang magkasama ng publiko sa telebisyon, ngunit hindi maipagkakaila na ang dugong dumadaloy sa kanilang mga ugat ay iisa. Ating kilalanin ang mga sikat na celebrities sa showbiz na magkamag-anak pala.

1. Mariz Umali at Gab Lagman

Credit: Image | Google

Credit: Image | Google

Ang news anchor at Unang Hirit host na si Mariz, umali ay first cousin pala ng sikat na Kapamilya actor na si Gab Lagman.

2. Martin del Rosario at Ces Quesada

Credit: Image | Google

Marami ang nagulat nang mabunyag sa publiko na magkamag-anak pala ang aktoe na si Martin Del Rosario at batikang aktres na si Ces Quesada matapos mapanood sa Tunay na Buhay. Si Ces ay pala ay tiyahin ng Kapuso Hunk.

3. Maine Mendoza at Coco Martin

Credit: Image | Google

Magkamag-anak rin ang aktres at TV host na si Maine Mendoza at aktor na si Coco Martin. At ito ay ibinunyag ni Maine sa publiko sa presscon ng kanilang pelikulang “Jack Em Popoy”. Ayon kay Maine, ay nalaman nila na magkamag-anak sila nang magkaroon ng reunion sa Bulacan.

4. Sophie Albert at Kris Aquino

Credit: Image | Google

Sa isang interview, ay inamin naman ng aktres na si Sophie Albert na ang kanyang ama, at ang Queen of All Media na si Kris Aquino ay mag-first cousin.

5. Marco Gumabao at Gretchen Fullido

Credit: Image | Google

Nabunyag rin sa publiko na magkamag-anak ang aktor na si Marco Gumabao at Gretchen Fullido. Ang ama ni Marco na si Dennis Roldan at si Gretchen ay magkapatid. Dahil dito, ay pamangkin ni Gretchen si Marco.

6. Antonio Aquitania at Daniel Padilla

Credit: Image | Google

Mag-first cousin ang relasyon ng aktor na si Antonio Aquitania, at ina ni Daniel Padilla na si Karla Estrada.

7. Eula Valdes at Paolo Ballesteros

Credit: Image | Google

Magkamag-anak rin ang batikang aktres na si Eula Valdez at Eat Bulaga host na si Paolo Ballesteros. Si Eula ay tiyahin ni Paolo, dahil ang lola ni Paolo ay kapatid ng ina ng aktres.

8. Susan Roces at Sheryl Cruz

Credit: Image | Google

Ang mahusay at batikang aktres sa showbiz sa loob ng maraming dekada na si Susan Roces, at tiyahin naman ng singer-actress na si Sheryl Cruz. Ito nga ay dahil ang ina ni Sheryl na si Rosemarie Sonora at si Susan ay magkapatid. Dahil dito, si Sheryl at si Grace Poe ay magpinsan.

9. Zoren Legaspi at Danni Barretto

Credit: Image | Google

Tiyuhin naman ni Danni Bareto ang aktor na si Zoren Legaspi. Ito nga ay dahil ang ama ni Danni na si Keir Legaspi at Zoren ay magkapatid.

10. KC Concepcion at Ciara Sotto

Credit: Image | Google

Si Ciara Sotto ay tiyahin ng aktres na si KC Concepcion. Ito nga ay dahil ang ina ni Ciara na si Helen Gamboa ay tiyahin ng ina ni KC na si Sharon Cuneta.

11. Dingdong, Arthur at Carlo

Credit: Image | Google
Magpipinsan naman ang mga sikat na Kapuso actors na sina Dingdong Dantes, Arthur Solinap at Carlo Gonzales.

12. Janine Gutierrez at Jackielou Blanco

Credit: Image | Google

Credit: Image | Google

Tiyahin ni Janine Gutierrez ang aktres na si Jackielou Blanco dahil kapatid nito ang ama ni Janine na si Monching.

error: Content is protected !!