Connect with us

Entertainment

Kilalanin ang mga Sikat na Artista na May Restaurant Business

Ang katanyagan sa industriya ng showbiz ay may hangganan. At kapag nga dumating na ang punto ng paglamlam ng karera, ay maaari mabago rin ng nakasanayang pamumuhay. Kaya naman, ang ilang sikat na artista ay hindi lamang nakatuon ang pansin sa kanilang karera, kundi naglalaan rin ng panahon sa pagnenegosyo gamit ang perang kanilang pinagpaguran sa pag-aarista. Sa ganitong paraan nga ay nakapaghahanda sila anuman na kung saan anuman ang mangyari sa kanilang karera, ay may pagkakakitaan parin sila kahit wala na sa industriya ng showbiz.

At isa nga sa talagang patok na negosyo ay ang restaurant business. Ating kilalanin ang mga sikat na artista sa showbiz nagmamay-ari ng restaurants.

Nash Aguas

Photo credits: google.com

Ang dating Goin’ Bulilit star na si Nash Aguas sa edad na 18, ay nakapagpatayo na ng kanyang sariling Japanese restaurant na Muramen na nagbukas ng unang branch sa Sampaloc Manila noong August 2017. Sa ngayon ay marami na rin itong branches sa Metro Manila at maging sa probinsya tulad ng Rizal, Cavite, at Bulacan, Tarlac at Ilocos Sur. Ito nga ang resto ng aktor na naghahain ng paboritong ramen ng masa sa murang halaga. Maliban rito, ay itinayo rin ni Nash ang Grillest na ang hatid naman ay ang masarap at paborito niyang chicken inasal.

Dina Bonnevie

Ang batikang aktres na si Dina Bonnevie at asawa nitong Ilocano politician na si DV Savellano ay nagmamay-ari naman ng Victorino’s Restaurant na itinayo noong 2013 na matatagpuan sa Tomas Morato sa Quezon City. At ang inihahain nga nila ang pawang masasarap na Ilocano cuisine.

Photo credits: google.com

Erwan Heussaff at Nico Bolzico

Hindi lamang mag-brother-in-law sina Erwan Heussaff at Nico Bolzico kundi business partners rin. Sila nga ang may-ari ng steak restaurant na Chingolo na kanilang itinayo noong January 2020. Ang Chingolo ay naghahain ng iba’t ibang klase ng putahe ng beef na mula sa farm ng pamilya ni Nico sa Argentina. Maaring ring bumili ng karne ng baka rito na hindi pa luto.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Daniel Padilla at Vice Ganda

Ang magkaibigang celebrities na sina Daniel Padilla at Vice Ganda, ay co-owner ng isang bar and restaurant na itinatayo noong August 2017, ang District 8 Manila. Ang gastropub na ito ay matatagpuan sa District 8 Unit 202 G-Strip sa Greenhills Shopping Center sa San Juan.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Bea Alonzo

Ang aktres na si Bea Alonzo ay nahilig sa baking at talagang nag-aral pa siya sa isang culinary school upang pasukin ang franchise ng cafe business na Dean and Deluca noong November 2019. At ito ay itinayo sa Timog Avenue sa Quezon City. Ang brand ng cafe na ito ay nagmula pa sa USA kung saan ay naghahain ng kape, pastry, salad, pasta at iba pa.

Photo credits: google.com

Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo

Noong May 2019 ay nagbukas ng restaurant business ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na pinangalanang Angrydobo. Ito ay matatagpuan sa Taft Avenue, Malate, Manila sa harapan ng De La Salle University. Ang pangalan naman ng kanilang resto na Angrydobo, ay naisip ng mag-asawa matapos matikman ni Ryan ang masarap na lutong adobo ni Juday, na galit nitong niluto matapos nilang mag-away. Ang kanilang inihahain ay iba’t ibang klase ng masasarap na ulam na may twist ng adobo.

Photo credits: google.com

Joel Torre

Ang batikang aktor na si Joel Torre ay nagsimula lamang sa tindahan ng inihaw na manok, at ngayon nga ang kanyang pagmamay-aring JT’s Manukan, ay may 29 branches na sa buong bansa. Ang masarap na inihaw na manok na nagmula pa sa hometown ni Joel sa Bacolod kung saan niya itinayo ang unang branch noong May 2003, ay kilala na sa buong bansa at tinatangkilik ng marami dahil sa masarap nitong timpla.

Photo credits: google.com

Alden Richards

Noong 2016 kasagsagan ng pamamayagpag ng karera ni Alden sa showbiz nang magtayo siya ng kanyang garden-inspired cafe na Conchas Garden sa Cliffhouse, Tagaytay. At noong December ng kaparehong taon ay nagbukas naman siya ng ikalawang branch nito sa Thomas Morato sa Quezon City.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Richard Yap

Isang Chinese restaurant ang itinayo ng aktor na si Richard Yap noong October 2013, ang Wangfu na matatagpuan sa Thomas Morato sa Quezon City. Matapos makamit ang tagumpay ng Wangfu, ay muli na naman siyang nagbukas noong Juky 2014 ng isang Filipino Restaurant na Luna J Filipino Gastropub na hango sa pangalan ng bayani at pintor na si Juan Luna.

Photo credits: google.com

Jodi Santamaria

Ang aktres na si Jodi Santamaria ang nagmamay-ari ng as“Rue Bourbon” na may 6 branches na sa Metro Manila. Noong October 2012 nang magbukas ng unang branch sa Eastwood Quezon City ang resto na ito ni Jodi na naghahain ng American dishes.

Photo credits: google.com

Marvin Agustin

Ang aktor na si Marvin Agustin ay mahioig magluto kaya naman nag-aral siya ng culinary sa International School for Culinary Arts and Hotel Management. At matapos nito ay nagtayo na siya ng sariling Japanese restaurant na Sumosam sa Shangrila Mall sa Mandaluyong City noong 2005.

Photo credits: google.com

Naging matagumpay nga ang restaurant business na ito ni Marvin at lumago na ngayon ay may 25 brances na sa buong bansa. Maliban rito ay may iba pa siyang mga pagmamay-aring restaurant.

error: Content is protected !!