Connect with us

Entertainment

Sila ang mga Sikat na Artista sa Industriya ng Showbiz na Nagmamay-ari ng Magarbo at Malamansyon na Bahay

Isa nga sa dahilan kung bakit tayo nagsusumikap na makapagtapos ng pag-aaral at makakita ng magandang trabaho, ay para matupad ang pangarap na magkaroon ng maganda at malaking bahay. Napakasarap naman talagang makita ang bunga ng pinaghirapan. Lalo na nga kung ang ipinatayong bahay ay magsisilbing tahanan kasama ang pamilya.

Katulad na lamang nga ng mga sikat na artista na ito na nakapagpundar ng naglalakihan at magarbong bahay na talaga namang may nakakalulang presyo dahil sa kanilang pagsusumikap sa buhay.

1. Manny Pacquiao

Ang iniidolo ng marami pagdating sa larangan ng boxing na talagang ipinamalas ang husay sa loob ng ring na si Manny Pacquiao na binansagang Pambansang Kamao ay nakapagpundar ng napakaraming ari-arian. Isa na nga rito ang napakaganda at napakalaking bahay na kanyang nabili sa Forbes Park sa Makati City.

Sa mga property na kanyang naipundar, ay ang bahay na ito ang pinakamahal na nagkakahalaga ng P1.3 Billion. At kasama niya ritong naninirahan ang kanyang asawang si Jinkee at lima nilang anak. Bago naman maabot ni Manny ang tagumpay na tinatamasa ngayon, ay matindi ring hirap ang kanyang pinagdaanan. Kaya naman, karapat-dapat lang na makamit at maranasan niya ang bunga ng kanyang pinaghirapan.

2. Coco Martin

Ang sikat na aktor, producer at director na si Coco Martin, ay nakapagpatayo ng kanyang dream house sa Quezon City. Ang bahay na bunga ng kanyang pagsisikap ay may kabuuang lawak na 2000 sqm at may tropical inspired design na kanyang pinaghirapang maipatayo sa loob ng tatlong taon ng hindi umuutang sa bangko.

Sa katagalan, ay unti-unti na rin niyang binili ang mga katabing lupa kaya naman lumawak ang kanyang pagmamay-ari. Napakaganda ng bahay na ito ni Coco kung saan masisilayan ang mga mamahaling kagamitan. May sarili rin ito swimming pool, gazebo at cabana.

3. Sharon Cuneta

Ang aktres at singer na si Sharon Cuneta na kilala ng lahat sa bansag na Megastar, ay nakapagpundar rin ng magarbong bahay sa Mandaluyong City. Sa napakaganda at napakalaking bahay na ito ay kasama niyang naninirahan ang asawa niyang Senador na si Francis Pangilinan at tatlo nilang anak.

Napakapresko at maaliwalas ang bahay na ito na malayo sa magulong syudad. May sarili itong swimming pool at kahanga-hanga rin ang engrandeng hagdan.

4. Kris Aquino

Isa sa mga property na naipundar ng kilalang Queen of All Media na si Kris Aquino ay ang napakagandang bahay na may tatlong palapag sa Quezon City kung saan sila lumipat ng kanyang dalawang anak. Kilala rin si Kris sa pagbili ng mga mamahaling kagamitan at makikita nga ang karangyaan sa kanyang napakagandang bahay.

Napakaelegante nitong tingnan sa kulay puti nitong disenyo. May malalawak rin itong kwarto na talagang namang makikita nakalagay sa ayos ang lahat.

5. Regine Velasquez at Ogie Alcasid

Ang mag-asawang singer na sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid ay may magarbong bahay ring matatagpuan sa tuktok ng bulubundukin sa exclusive subdivision sa Quezon City. Dahil na parehong mahilig sa musika ang mag-asawa, ay may sariling music studio ang kanilang bahay.

Ang bahay na ito ay may modern contemporary design na mas pinaganda ng kulay puting disenyo na nagbigay ng maaliwalas na kapaligiran. Ang bahay na ito ay nabili ni Regine noong wala pa siyang asawa, at ngayon nga ay dito na nakatira ang pamilya nila ni Ogie kasama ang walong taong gulang nilang anak na si Nathaniel James. May sarili naman itong swimming pool at napapalibutan rin ng CCTV para sa kanilang seguridad.

6. Alden Richards

Ang sikat na aktor na si Alden Richards ay nakapagpatayo ng kanyang sariling bahay sa isang exclusive village na matatagpuan sa Laguna. Ang dalawang palapag na bahay na may malatoreng disenyo ay bunga ng ilang taong pagsisikap ni Alden sa showbiz bilang isang mahusay na aktor at TV host.

7. Willie Revillame

Ang iniidolo ng lahat na si Willie Revillame na kilala rin bilang si Kuya Wil ay isa sa hinahangaan at tinitingalang personalidad sa showbiz. Napakaraming property ang naipundar ni Kuya Wil na bunga ng kanyang pagsisikap. Isa na nga rito ang mala resort na bahay na napakaganda at napakalawak kung saan matatagpuan sa Tagaytay na matatanaw ang ganda ng Taal Volcano. Si Kuya Wil ay host ngayon ng programang Wowowin sa GMA Network kung saan nagpapaabot siya ng tulong sa sambayanang Pilipino.

8. Bea Alonzo


Sa pagsusumikap ng aktres na si Bea Alonzo ay nakapagpundar siya ng napakagandang bahay na may tatlong palapag sa isang exclusive subdivision.sa Quezon City. Sa kanyang husay sa pag-arte ay talaga namang marami siyang pinaiyak at pinatawang mga tagahanga lalo na sa tambalan nila ng aktor na si John Lloyd Cruz. Sa loob ng 18 taong pagtatrabaho niya sa showbiz ay talagang inilaan niya sa tama ang bawat salaping kanyang kinikita.

9. Vic Sotto

Ang mahusay na komedyante at pangunahing host ng longest running noontime show na Eat Bulaga na si Vic Sotto ay nakapagpatayo ng isang napakaganda at napakalaking bahay sa Laguna.

Dito sila naninirahan ng kanyang asawang si Pauleen Luna kasama ang kanilang anak na si Baby Tali. At bilang kilala na isa sa pinakamayamang artista sa showbiz, ay hindi nakapagtataka kung makapagpatayo ito ng magarbong bahay na may dalawang palapag. Ang disenyo ng bahay ay ipinaubaya ni Bossing kay Poleng kung saan mas pinili ng aktres na bigyan ito ng pinaghalong modern at Asian design.

10. Daniel Padilla

Sa edad na 20 taong gulang ay nakapagpatayo na ng napakagandang bahay ang aktor na si Daniel Padilla. Ito nga ay matatagpuan sa isang exclusive subdivision sa Quezon City. Sa kasikatan nga ni Daniel mula sa pagiging aktor at endorser, ay talaga namang tinatamasa na ng kanyang pamilya ang marangyang buhay.

Ipinagmamalaki naman ng ina nito na si Karla Estrada ang anak, at espesyal rin ang bahay na ito, dahil ito ang kaunaunahang bahay na kanilang naipundar at nagsisilbi nilang sariling tahanan matapos ang maraming taong pangungupahan. Ang lawak nito ay nasa kabuuang sukat na 1000 sqm na may modern mediterranean design. Masisilayan rin dito ang mga nakaparadang sports car ni Daniel. Ang dalawang palapag na bahay na ito ay may malalawak na silid.

error: Content is protected !!