Connect with us

Entertainment

Sila ang mga Plant Mommas na Hatid ay Inspirasyon sa mga Mahilig Mag-alaga ng Halaman at Bulaklak

Sa gitna ng nararanasang pandemya, ay naging libangan ng marami ang pag-aalaga ng iba’t ibang klase ng halaman, mapa-indoor plants, succulents, cactus, at pati na rin nga mga halamang gulay sa bakuran.

Nasubok nga ang pagkakaroon ng green thumb ng mga sikat na celebrities sa showbiz para alagaang mabuti ang kanilang mga pananim na halaman. Ang ilan nga sa kanila ay ginawang dekorasyon sa kanilang tahanan ang kanilang mga alagang halaman, para na rin gumaan ang kanilang pakiramdam. May ilan rin namang malaki ang natipid sa pagbili ng gulay at sangkap sa kanilang mga lutuin, dahil mayroon silang vegetable garden sa likod ng kanilang bahay.

Iba’t iba naman ang paraan ng pangangalaga ng mga plant mommas ng mga halaman na maaari nating kapulutan ng aral at magsilbing inspirasyon. Kaya naman, ating kilalanin ang mga plant mommas at alamin ang kanilang epektibong paraan para alagaan at palaguin ang kanilang mga halaman.

Aubrey Miles

Ilang taon nang plant momma ang aktres at celebrity mom na si Aubrey Miles. Kaya naman, hindi na nakapagtataka kung masisilayan sa loob ng kanilang ang napakaraming indoor plants. At malaki ang naitulong nito sa kanilang pamilya para makalanghap ng sariwang hangin. Samantala, ngayon naman ay may mga lalong dumami ang koleksyon ni Aubrey, at ngayon nga ay may mga outdoor plants na rin siya.

Pagdating naman sa pag-aalaga ng kanyang halaman, ay matinding “patience” ang kinakailangan para mapalago ang alagang halaman. At para nga maging epektibo ito, ay kinakailangan ring kausapin ang mga halaman at gawing hobby ang pag-aalaga sa mga ito.

Cheska Kramer

Minsan na rin ipinasilip ng celebrity mom na si Cheska Kramer ang kanyang mga alagang halaman. Maliban nga sa makukulay na bulaklak, ay may munting hardin rin sa kanilang tahanan ang maybahay ni Doug Kramer. Kaya naman, laging sariwa at masustansya ang pagkaing nakahain sa kanilang hapag. Idagdag pa nga dito, na malaki rin ang kanilang natitipid sa pagbili ng mga sangkap.

Nakakatuwa ring isipin na magmula nang lumipat ang kanilang pamilya sa kanilang napakaganda at napakalaking bahay sa Antipolo, kung saan nga makikita ang napakagandang tanawin, ay tiniyak ng mag-asawa na mapalapit sa kalikasan ang kanilang mga anak. At makikita naman, na talaga nag-eenjoy ang mga bata. Makikita rin na tinuturuan ni Cheska ang kanilang mga anak pagdating sa paghahalaman kung saan nga ay nakakatulong ng aktres sa pag-harvest ng kanyang mga pananim.

Mylene Dizon

Naging libangan rin ng aktres na si Mylene Dizon ang gardening. At dito nga, ay talagang nasubok ang pasensya at kasipagan ng aktres sa pagtatanim. Pagtatanim ng iba’t ibang klase ng mga gulay ang napiling pagkaabalahan ng aktres. Ang nais nga ni Mylene ay maging malusog ang kanyang pamilya.

At ang magkaroon ng isang munting farm kung saan naroon na ang lahat ng kanilang kailangan ay malaking tulong sa kanilang pamilya. Bukod nga sa nakakatipid, ay nakakatiyak na masusustansiyang gulay rin ang maihahain sa kanilang hapag-kainan.

Jinkee Pacquiao

Marami nga ang talagang humahanga sa ganda at dami ng plant collection ng maybahay ni Sen. Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao. Hindi naman ito basta-bastang mga halaman na nagsisilbing dekorasyon sa loob ng kanilang tahanan, dahil ang bawat isa nga sa mga halaman, ay taglay rin ang mga nakakalulang presyo. Hindi naman maikakaila na mas lalong gumanda ang mansyon ng pamilya Pacquiao sa General Santos City.

Dawn Zulueta

Isa din ang aktres na si Dawn Zulueta sa mga celebrity mommies na nahilig sa mga halaman.

Makikita nga sa kanyang bakuran ang napakarami at ibat-ibang uri ng halaman na kanyang pinagkakaabalahan pag ka free time niya. Nagiging mas maaliwalas ang bakuran ng aktres dulot ng kanyang mga nag gagandahang bulaklak at mga halaman.

error: Content is protected !!