Connect with us

Entertainment

Sila ang mga Pinoy Big Brother Housemates na Na-Forced Evict sa Bahay Ni Kuya Matapos Masangkot sa Kontrobersiya

Isa sa madalas abangang palabas ng publiko sa telebisyon ay ang mga reality show. Ang mga reality show ang nagiging daan ng ilang artista upang makapasok sa mundo ng showbiz.

Isa nga sa sikat na reality show na talagang inaabangan ng sambayanang Pilipino ay ang programang hatid ng Kapamilya Network na Pinoy Big Brother na kung saan ay nagkaroon ng iba’t ibang season. Maraming mga sikat na artista sa showbiz ngayon ang naging produkto ng PBB.

Samantala, napuno rin ng kontrobersya ang loob ng Bahay ni Kuya. At ilan nga sa kanila matapos masangkot sa kontrobersiya ay tuluyan nang pinalabas sa Bahay ni Kuya. Sila nga ang mga PBB Housemates na na-force evict sa Bahay ni Kuya matapos masangkot sa kontrobersiya.

1. Franzen Fajardo Season 1

Photo credits: google.com

Sa unang season pa lang ng Pinoy Big Brother, ay may isang housemate na agad ang naging pasaway. Siya nga si Franzen Fajardo na ilang ulit na nilabag ang rules sa loob ng Bahay ni Kuya dahilan upang mapabilang siya sa mga nominado kada linggo. Ang kanyang mga tagahanga naman ang nagliligtas sa kanya para hindi ma-evict. Ngunit, ang pagbubulong ng mga salita ang huling paglabag na ginawa ni Franzen para sa ma-force evict. Samantalang ang kanyang housemate na si Cass Ponsi, ay nais na manatili sa loob ng bahay si Franzen kapalit ng kanyang voluntary exit. At para maging patas sa lahat ay nagkaroon ng botohan ngunit muli na namang gumawa ng paglabag si Franzen. Ito ay matapos niyang sabihin kay Jason Gainza ang pinag-usapan nila sa confession room.

2. Maricris Dizon Season 2

Photo credits: google.com

Isa rin sa naging kontrobersya sa loob ng bahay ni Kuya ay ang matinding away sa pagitan nina Maricris at Beatriz Saw. At ang dahilan nga ng pag-alis ni Maricris sa bahay ni Kuya, ay matapos nitong pagbataan ang kaaway nitong si Bea. Kung saan ay sinabi nito na:

“Dito muna ako baka masaksak ko si Bea.”

3. Tom Mott Double Up

Photo credits: google.com

Kilala na ngayon bilang Tom Rodriguez, ay gumawa rin ng eksena sa loob ng bahay ni Kuya. Ang aktor ay nadala ng kanyang emosyon matapos matalo sa isang kompetisyon laban sa kabilang bahay. Ang ginawa nga ni Tom, ay sinuntok nito ang pader dahilan para siya’y masaktan at masira ang pader. Dahil dito, ay isinugod sa hospital si Tom. Matapos ang insidente, ay binigyan naman ng chance ni Kuya si Tom na bumalik sa bahay. At ito ng ay ipaliwanag sa aktor, na anumang karahasan ay magreresulta sa forced eviction.

4. Shey Bustamante from Teen Clash of 2010

Photo credits: google.com

Napatalsik naman sa bahay ni Kuya si Shey matapos ang kanyang patuloy na paglabag sa rules. Ang ginawa nga ni Shey ay hinihikayat niya ang ibang housemate para manominate ang kanilang kasamahan na si Tricia Santos. Kinausap rin ni Shey sina Joe Vargas at Patrick Sugui kung sino naman ang kanilang isusunod na inominate kapag napaalis na si Tricia.

5. Eslove Briones from Teen Clash of 2010

Photo credits: google.com

Ang pagbibiro ni Eslove sa loob ng bahay ang dahilan ng kanyang biglaang pag-alis. Na-forced evict si Eslove matapos paglaruan ang kutsilyo sa kusina at pabirong itinutok ito kay Tricia. At dahil nga mahigpit na ipinagbabawal ang karahasan sa loob ng bahay ni Kuya, ay napaalis siya ng wala sa oras.

6. Cess Visitacion from All In

Photo credits: google.com

Limang rules ang nilabag ni Cess sa loob ng bahay ni Kuya na naging dahilan ng kanyang forced eviction. Ilan nga sa mga ito ay pagtatanong ng mga bagay tungkol sa buhay sa labas ng bahay, pag-aalis ng mic, pagbubulong, at pagsusulat ng mga secret messages.

7. Baron Geisler from Celebrity Edition 1

Photo credits: google.com

Nadala naman ng kanyang kalasingan si Baron sa kanilang Christmas Party. Dahil nga dito, ay may mga hindi magandang bagay siyang nagawa tulad ng pagmumura o pagsasalita ng masasama sa kanyang mga kasamahan. Binantaan rin niya ang content creator na si Will Devaughn. At hindi nga ito pinalampas ni Kuya, ay agad siyang tinanggal sa bahay ni Kuya.

error: Content is protected !!