Connect with us

Entertainment

Sila Ang Mga Kilalang Artista Sa Showbiz Na May Non-showbiz Partners

Isa nga sa nagpapasaya at nagpapakilig sa ating mga manonood ng telebisyon ay ang mga onscreen pairs sa iba’t ibang shows. Sa kanilang husay sa pag-arte ay talagang dalang-dala tayo sa kanilang nakakaantig at nakakakilig na eksena.

Kaya naman, may mga onscreen pairs na ang kanilang pagtitinginan sa harap ng camera ay nauuwi sa tunay na pag-iibigan. Ngunit, may mga artista namang mas piniling mahalin at makasama sa buhay ang mga taong wala sa mundo ng showbiz. Ating kilalanin ang mga sikat na artista sa showbiz na may mga non-showbiz partners.

Andi Eigenmann

Photo credits to the owner
Mas pinili ng dating aktres na si Andi Eigenmann na lisanin ang mundo ng showbiz upang makapiling ang kanyang non-showbiz partner na si Philmar Alipayo, isang surfing champion. Noong December 2020, ay naengaged na nga ang dalawa. Sa ngayon ay masaya na ang kanilang pamumuhay sa isla ng Siargao kapiling ang kanilang dalawang anak na si Lilo at Koa. Nasa poder rin ni Andi ang anak niya kay Jake Ejercito na si Ellie.

Sofia Andres

Photo credits to the owner
Ang partner naman ng aktres na si Sofia Andres na si Daniel Miranda ay wala rin sa mundo ng showbiz. Si Daniel ay isang professional at multi-awarded kart racer, kasama na ang pagiging TCR Asian Driver Champion noong 2019. At nagmula rin sa kilalang pamilya sa Cebu na kung saan nga ay nagmamay-ari ng pinakamalaking pawnsho sa bansa ang Cebuana Lhuillier. Sa ngayon ay may isang napakacute na anak na sina Daniel at Sofia, si Zoe.

Ryza Cenon

Photo credits to the owner
Isang masayang pamilya rin ang nabuo ng aktres na si Ryza Cenon sa piling ng kanyang non-showbiz partner na si Miguel Antonio Cruz. Ang ama ng anak ni Ryza na si Baby Night na si Miguel ay isang kilalang filmmaker na nag-aral sa nag-aral sa University of Southern California at kumuha rin ng cinematography workshops sa Rockport, Maine. Matapos nilang magkakilala noong 2019, at nagligawan sa loob ng 7 months ay talagang hindi na sila pinaghiwalay ng tadhana. At ngayon nga, ay masayang-masaya ang kanilang pamilya kasama ang kanilang panganay na anak na si Baby Night na isinilang ni Ryza noong October 2020.

Bianca King

Photo credits to the owner
Masaya at makulay naman ang buhay pag-ibig ng aktres na si Bianca King sa piling ng kanyang asawang si Ralph Wintle. Sina Bianca at Ralph ay ikinasal noong June 2021. Nilisan ni Bianca ang mundo ng showbiz ay nanirahan sa Sydney noong August 2020 para magsimula ng bagong buhay kapiling ang kanyang non-showbiz.

JC De Vera

Photo credits to the owner
Pinakasalan naman sa pangalawang pagkakataon ng aktor na si JC de Vera ang kanyang non-showbiz wife na si Rikkah Cruz sa isang church wedding noong September 2021. Una silang ikinasal noong 2018 sa pamamagitan ng isang civil wedding. Ang kanilang pagsasama ay binigyang kulay ng kanilang tatlong taong gulang na anak na si Lana Athena.

error: Content is protected !!