Connect with us

Entertainment

Sila Ang Mga Kilalang Artista Sa Showbiz Na Ipinagpatuloy Ang Pag-aaral Sa Kabila Ng Matagumpay Nilang Karera

Lahat nangangarap na makasuot ng toga at magkaroon ng diploma sabay taas noong aakyat sa intablado. At ang makapagtapos ng kolehiyo nga ay isang malaking pagdiriwang. Sa pagkamit ng pangarap na makapagtapos ng pag-aaral ay may nauuna at may nahuhuli, sapagkat hindi ito isang karera. Maraming rason kung bakit hindi agarang nakapagtapos ngunit hindi naman sila sumuko at kanilang ipinagpatuloy.

Kilalanin ang mga sikat na artista na ipinagpatulot

Jodi Sta. Maria

Photo credits:Jodi Sta. Maria | IG

Si Jodi Sta. Maria na 39 taong gulang, ay kasulukuyang gumaganap sa bilang Dr. Jill Illustre sa The Broken Marriage Vow. Ang bihasang aktres ay nagtapos sa Southville International School and Colleges sa kursong Psychology l bilang Dean’s Merit Honor. Ibinihagi niya ang achievement na kanyang nakamit sa isang Instragram post na may caption

“I share this milestone with everyone who has supported me through the years—my teachers, my family, my management team, my friends. Thank you for letting me reach my stars”.

Naipagsabay nga ni Jodi ang pag-aalaga sa kanyang anak at trabaho sa kanyang pag-aaral. Kaya naman, sino ang mag-aakalang makakapagtapos siya ng kanya kurso nang may karangalan.

Dimples Romana

Photo credits: Dimple Romana | IG

Ang aktres na si Dimples ay kasalukuyang kumukuha ng kursong Marketing and Public Relations in Social Media saNew York University’s School of Professional Studies. Hindi hadlang ang pagiging ina at entrepreneur ni Dimple upang mag-aral muli bagkus nga lakas niya ang kanyang pamilya sa kanyang pag-aaral at sa pagtupad ng kanyang mga pangarap.

Katrina Dimaranan

Photo credits: Katrina Dimaranan| IG

Si Katrina Dimaranan ay 28 taong gulang,at matapos niyang maiuwi ang titulong Miss Universe Philippines-Tourism noong nakaraang taon ay naisipan niyang mag-aral muli. Ipinagbili niya ang kanyang mga gowns para magkaroon ng scrub suits at makapaspok siya sa nursing school. Kasulukuyang nagsusunog kilay si Katrina, determinadong at confident na makakalakad sa hospital hallways bilang isang rehistradong nurse balang araw.

Elisse Joson

Photo credits:Ellise Joson | IG

Ang 26 taong gulang na si Elisse Joson maliban sa pagiging aktres ay isa na rin siyang entrepreneur. Nagtayo si Elisse ng sariling jewelelry brand, isa na rin siyang ina sa kanyang muntik anghel. Ngunit, sa kabila nito ay patuloy ang kanyang pagtupad sa kanyang pangarap. Inamin nga niyng hindi madali pero kakayanin niya hanggang makapagtapos at makamit ang kanyang pangarap.

Maymay Entrata

Photo credits:Maymay Entrata| IG

Si Maymay Entrata ay unang lumabas on screen sa PBB, isang mahusay na aktres at kumanta ng Amakabogera na naging sensational music ng taon. Sinubukan niya rin ang pagiging modelo at sa bawat rampa niya ay tila laban sa buhay. Kasalukuyang nasa Canada si Maymay at doon niya balak ipagpatuloy ang pag-aaral sapagkat ito ay isang pangarap na nais niyang maisakatuparan.

Sunshine Cruz

Photo credits: Sunshine Cruz | IG
Si Sunshine Cruz ay hindi sumuko sa kanyang pangarap. Sa edad nga na 50 ay isa na siyang rehistradong psychiatrist. Ipinagpatuloy ng aktres ang pag-aaral sa kabila ng pagiging isang single mom, at nagwagi siya at nakamit ang degree. Nagtapos si Sunshine sa Arellano University taong 2017 sa kursong Psychology.

Ruffa Gutierrez

Photo credits: Ruffa Gutierrez | IG

Maagang pinasok ni Ruffa Gutierrez ang pagiging artista kaya’t napilitan itong tumigil sa pag-aaral. At nang tumanda na ito at nagkaroon ng oras ay naisipang ipagpatuloy ang pag-aaral. Sa edad na 47 ay ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral bilang isang Mass Communication student sa Philippine Women’s University.

error: Content is protected !!