Connect with us

Entertainment

Sila ang mga ‘Instant Rich Kid’ na Bata palang ay Milyong Piso na ang Laman ng Bank Savings Account Dahil sa Kanilang mga Mayayaman na Celebrity Parents

Tunay nga naman na sa mga anak ng popular at sikat na celebrity ngayon ay masasabi natin na napaka-swerte nila dahil sa naging pagsusumikap ng kanilang mga magulang sa loob ng showbiz industry ay naghihintay na sa kanila ang magandang kinabukasan.

Narito nga ang ilan sa mga kilalang mayayamang celebrity at ang mga masu-swerte nilang mga anak na bata pa lamang ay panigurado ng may maganda ng kinabukasang naghihintay a hinaharap.

1. Joel Cruz and Kids

Si Joel Cruz ay ang sikat na gay businessman na tinaguriang ‘Lord of Scents’, dahil siya lang naman ang nagmamay-ari ng isa sa mga sikat na perfume at ito nga ay ang ‘Aficionado.’

Siya ay may walong anak, na puro mga surrogacy baby. Naging posible sa kanya ang pagkakaroon ng anak sa tulong ng IVF, na ang halaga nga ay 6-milyon hanggang 12-milyon kada baby. At ang proseso ngang ito ay talaga namang kayang kayang bayaran ni Joel Cruz, dahil bago pa man siya magdesisyon na magkaroon ng anak, ay kilala na siya bilang isa sa mga pinakamayamang indibidwal sa ating bansa, na nagmamay-ari ng naparaming mansyon sa loob at labas ng ating bansa,

Maswerte nga ang kanyang mga anak, dahil bata pa lamang ang mga ito ay sigurado na ang magandang kinabukasan nila, dahil sa napakayaman ng kanilang ama.

2. Lagdameo Kids

Masasabi rin natin na napakaswerte ng mga anak ng mag asawang Dawn Zulueta at Antonio Flerndio Lagdameo Jr., na sina Kobo at Ayehsa. Ito ay dahil pinanganak din sila na instant rich, sapagkat ang kanilang mga magulang ay popular din sa lipunan.

Ang kanilang ina, na si Dawn Zulueta ay kilala bilang isang batikang aktres sa showbiz industry, samantala ang ama naman nila ay isang kilalang Filipino businessman at politician, na miyembro ng mayayamang Florendeo clan sa Southern Mindanao.

3. Rivera – Dantes Kids

Isa sa mga pinaka-successful na celebrity couple ay sina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Humakot ng napakaraming mga viewers ang mga pinagtambalan nilang serye noon, kung saan nag-umpisa rin ang kanilang nakakikilig na love story.

Ang kanilang naging kasal ay isa sa mga engrandeng kasalan na naganap sa mundo ng showbiz, kung saan ay ilang milyon ang nagastos nila dito. Kung sa pagpapakasal nga lamang nila ay milyon-milyon na ang halaga, ay panigurado nga na napakayaman na ng mag-asawa, kaya naman walang duda na ang kanilang mga anak ay mayroong magandang kinabukasan na sa hinaharap kahit na na pumasok sa showbiz ang mga ito.

Sina Zia ay baby Ziggy nga ang mga instant rich kids’ ng mag-asawang Marian at Dingdong, na ngayon ay kabilang rin sa mga celebrity kids na kinagigiliwan sa social media.

4. Kramer Kids

Bata pa lamang ang mga anak nina Cheska at Doug Kramer ay umaarangkada na ang mga bank accounts ng mga ito. Sa kabila kasi na hindi pa ganun kayaman ang kanilang mga magulang ng magpakasal ang mga ito, ay tila naman naging malaking biyaya ang kanilang mga anak ng dumating ito sa kanilang buhay.

Sa pagdating nga ng mga anak ng mag-asawa, ay biglang gumanda ang buhay ng mga ito, lalo na’t ang mga anak nila ay kabilang sa mga bata na talaga namang sumikat ang mga ito dahil sa kanilang mga iba’t ibang endorsement at vlogs.

Instant celebrity ika nga ang mga Kramer kids, dahil sila ang mga kauna-unahanag sumikat sa social media, dahil na rin sa kanilang mga magulang.

Ngayon nga ay nakatira ang pamilya Kramer sa isang mala-mansyon sa laking tahanan, at labis nga ang tinatamasa ng kasaganahan sa buhay.

5. Larazabal Kids

Nagmamay-ari ng isang ospital at ilang pang negosyo ang mga magulang ng Larazabal Kids na sina Donna Cruz at Yong Larazabal, kaya naman itinuturing sila na kabilang sa mga mayayamang pamilya dito sa Pilipinas.

Sina Belle, Gian at Gio ay masaya ngang namumuhay na mayaman kahit na hindi pa sila pumasok sa mundo ng showbiz, dahil isa sila sa mga masuswerteng anak, na ang mga magulang ay talaga namang pinaghandaan na ang future ng kanilang mga anak.

6. Scarlet Snow Belo – Kho

Isa si Scarlet Snow sa pinakakilalang anak ng mga bigating personalidad sa showbiz, dahil ang kanyang mga magulang na sina Hayden Kho at Vicki Belo ay ang mga sikat at kilalang celebrity doctor sa bansa.

Sa katunayan, kahit hindi na mag-showbiz si Scarlet ay mayaman na ang naturang bata, dahil ngayon pa lamang ay siya na ang endorser ng pagmamay-ari ng kanyang pamilya na Belo Medical Clinic. Siya rin ang nag-iisang tagapagmana nito, dahil siya lang naman ang nag-iisang anak ng mag-asawang Hayden at Vicki.

Instant rich kids nga talaga si Scarlet, dahil sa alam nating lahat na bilyon ang kinikitang pera ng negosyo na aesthetic clinic ng kanyang mga magulang.

7. Pacquiao Kids

Sino ba naman ang hindi nakakilala kay Sen. Manny ‘Pacman’ Pacquiao ang nag-iisang 8th Division World Champion at tinaguriang ‘one of the greatest professional boxers of all-time’. Siya ay ikinasal kay Jinkee Pacquiao, isang former politician, media personality at kilala din bilang isang fashion icon.

Sa usapin ng pagiging mayaman, ay wala naman talagang kaduda-duda na ang mga anak nina Jinkee at Manny, ay isa sa mga instant rich kids sa ating bansa. Dahil sa naging pagsusumikap ng kanilang mga magulang, ay talaga namang labis labis ang kaginhawaan ng buhay na kanilang tinatamasa ngayon.

error: Content is protected !!