Connect with us

Entertainment

Sila Ang Mga Cute na Child Star Noon,Na Ngayon ay Pawang Magaganda at Ganap Nang Mga Dalaga

Isa sa nagbigay saya at kulay sa atin sa tuwing nanonood ng telebisyon ay ang mga cute at bibong mga child star sa showbiz. Hindi natin maikakaila na giliw na giliw tayo sa taglay na kacutan at talento ng mga child star, at marami sa atin ang talagang napahanga sa husay nilang umarte.

Ngunit, kasabay rin ng mabilis na paglipas ng panahon, ay siya ring mabilis nilang paglaki. Ang mga bata nga na ating kinagiliwan noon sa mga teleserye at pelikula, ay ganap nang mga dalaga ngayon.

Andrea Brillantes

Credits : PEP 

Ang bibo at cute na batang una nating nasilayan sa children gag show na Goin’ Bulilit na si Andrea Brillantes, ay isa nga sa pinakasikat na teen star ng henerasyon. Sa edad na 7 taong gulang ay sumabak na si Andrea sa showbiz at una nga siyang napabilang sa Goin’ Bulilit noong 2010. Dahil sa kanyang talento sa pag-arte ay bumuhos ang proyekto sa karera ni Andrea. Ilan sa mga ito ay E-Boy (2012), Annaliza (2013), Hawak Kamay (2014), and Kadenang Ginto (2018). She currently stars in the TV drama series Huwag Kang Mangamba as Mira Cruz.

Noong nakaraang Marso nang ipagdiriwang ni Andrea ang kanyang ika-18 birthday. At masasabi nga na dalagang-dalaga na si Andrea o kilala sa kanyang tunay na pangalan na Blythe. Masasabi naman na malayo na ang narating na tagumpay ni Andrea sa kanyang karera. Nakapagpatayo na rin si Andrea ng kanyang sariling makeup line, ang Blythe Cosmetics na kanyang co-created ng local make-up brand Careline. Isa na ring sikat na vlogger si Andrea kung saan nga ay may 3.39 million YouTube subscribers na.

Mona Alawi

Credits : PEP 

Si Mona Alawi ay kilala na ng publiko bilang kapatid ng sikat na aktres at vlogger na si Ivana Alawi. Ngunit, una siyang nakilala ng publiko noong 7 taong gulang pa lamang siya matapos mapabilang sa teleserye ng GMA na Munting Heredera noong 2011, kung saan gumanap siya bilang Jennifer S. Montreal.

Bumuhos naman ang proyekto sa karera ni Mona hanggang taong 2018. Ngunit, nang kasunod na taon ay nagpasya na siyang magpahinga muna sa showbiz dahil sa kanyang karamdaman. Napag-alaman na may Type 1 diabetes si Mona, kung kaya’t kailangan niyang mag-ingat at alagaan ang kanyang kalusugan. Ngayon ay 16 taong gulang na si Mona, at makikita na talagang dalaga na ito.

Jillian Ward

Credits : PEP 

Sa edad na 5 taong gulang ay pinasok na ni Jillian Ward ang mundo ng showbiz upang ipamalas ang kanyang taglay na talento sa pag-arte. Agad namang nabihag ni Jillian ang atensyon nang publiko matapos gumanap bilang Trudis sa Sine Novela: Trudis Liit ng GMA na umere noong 2010.

Dahil sa kanyang husay sa pag-arte ay nagkamit siya ng parangal bilang Best New Female TV Personality sa 25th PMPC Star Awards for Television. Ngayon nya, ay 16 taong gulang na si Jillian kung saan ay masisilayan ang isang napakagandang dilag. Milyon-milyon rin ang mga followers ni Jillian sa kanyang social media acounts.

Belle Mariano

Credits : PEP 

Tulad ng ibang child star ay dinala rin si Belle Mariano ng kanyang talento sa pagiging isang mahusay na teen star. Taong 2012 nang unang masilayan si Belle sa showbiz kung saan naging bahagi siya ng Princess and I kasama sina Kathryn Bernard, Enrique Gil at Daniel Padilla. Sa ngayon ay 19 taong gulang na si Belle at patuloy pa ring namamayagpag ang karera sa showbiz.

Katambalan niya naman ang ABS-CBN actor na si Donny Pangilinan in the series He’s Into Her. Maliban rito, ay isa rin siyang Music recording artist. At ang music video ng kanyang debut single na “Sigurado” ay humakot ng 1 million views sa YouTube.

Xyriel Manabat

Credits : PEP 

Sino nga ba ang makakalimot sa cute at bibong bata na gumanap sa teleseryeng 100 Days in Heaven na si Xyriel Manabat. Dahil sa kanyang husay pag-arte sa kabila ng kanyang murang edad, ay ilang ulit siyang nagkamit ng parangal. Ilan sa mga ito ay 43rd GMMSF Box-Office Entertainment Awards Most Popular Female Child Performer, 26th PMPC Star Awards For Television Best Child Performer, and 10th Gawad Tanglaw for Television Best Performance by an Actress.

Huling napanood sa telebisyon si Xyriel noong 2017 matapos gumanap bilang batang Ivy Aguas sa teleseryeng Wild Flower. Sa ngayon ay 17 taong gulang na si Xyriel, noong nakaraang taon lamang nang siyang nagtapos sa high school. Abala na rin siya sa kanyang sariling Youtube channel sa pagbibigay ng mga masasayang kaganapan sa buhay niya.

Mutya Orquia

Credits : PEP 

Ang 4 na taong gulang noong si Mutya Orquia ay naghatid sa atin ng saya sa teleseryeng “Be Careful With My Heart?” kung saan ay gumanap siya bilang Abby. Isa ring produkto ng Goin’ Bulilit si Mutya at napanood magmula taong 2012 hanggang 2019.

Marami rin siyang naging proyekto kung saan nasilayan ang kanyanh husay sa pag-arte. Sa ngayon ay 15 taong gulang na si Mutya, na bagama’t di gaanong aktibo sa harap ng camera, ay makikitang aktibo naman sa kanyang social media sa pagbibigay ng update sa kanyang mga tagahanga. Makikita nga na isa nang ganap na talaga si Mutya, na sadyang napakaganda.

error: Content is protected !!