Connect with us

Entertainment

Sila ang mga Cute at Adorable Celebrity Kids na Siguradong Magiging Future It Girls at Heartthrobs sa Industriya ng Showbiz

Hindi maikakaila na ang mga anak ng mga sikat na artista sa showbiz ay namana rin ang katangian ng kanilang mga magaganda at gwapong mga magulang. Kaya naman, ang mga celebrity kids na ito ay taglay rin ang mga mukha na talaga namang cute and adorable. Kahit nga mga munting bata pa lamang sila ay masisilayan na ang artistahing mukha na namana sa kanilang mga magulang. Kaya naman, sa kanilang paglaki ay tiyak na pagkakaguluhan sila ng publiko kapag pumasok sa showbiz.

Hindi naman na nakapagtataka na kung sa kanilang paglaki ay sumunod sila sa yapak ng kanilang mga magulang bilang artista sa industriya ng showbiz. Maliban sa taglay nilang magaganda at gwapong mukha, ay may talento at matatalinong bata rin sila. Kaya naman, tiyak na magiging It Girl at heartthrob sila pagdating ng panahon sa showbiz.

1. Alas Joaquin Abrenica

Ang anak ng celebrity couple na sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica, ay tiyak na titilian ng mga girls sa kanyang paglaki dahil sadyang napakagwapo niya. August 4, 2017 nang isilang ni Kylie si Joaquin, at ilang buwan na lamang nga ay sasapit na ang kanyang ika-4 na taong kaarawan.

Photo credits: Instagram

2. Keira Claire Ballesteros

Sa batang edad ay lutang na lutang na ang kagandahang taglay ng anak ng komedyante at TV host na si Paolo Ballesteros na si Keira. Si Keira ay anak si Paolo sa kanyang non-showbiz ex-girlfriend na si Katrina Nevada. Si Keira ay isinilang noong November 29, 2008 sa US at ngayon ay 12 na taong gulang na.

Photo credits: Instagram

3. Zion Gutierrez

Future heartthrob rin tiyak sa showbiz ang anak ng mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati na si Zion Gutierrez. Sa ngayon, ay walong taong gulang na si Zion na isinilang ni Sarah noong taong 2013.

Photo credits: Instagram

4. Aki Reyes

Hindi rin papahuli sa kagwapuhan ang anak ng anak ng aktres na si LJ Reyes na si Aki. Tila naman binatang-binata na si Aki sa edad niyang 10 taong gulang. Si Aki ay anak ni LJ sa dati niyang kasintahan na si Paulo Avelino.

Photo credits: Instagram

5. Alex Jazz Mercado

Ang 12 na taong gulang na ngayon na anak ng Kapuso star na si Jennylyn Mercado sa dati nitong nobyo na si Patrick Garcia, na si Alex Jazz ay taglay rin ang kahanga-hangang kagwapuhan na namana sa kanyang mga magulang.

Photo credits: Instagram

6. Ellie Eigenmann

Photo credits: Instagram

Tiyak rin ng hahangaan ang talento at angking ganda ng anak ni Andi Eigenmann na si Ellie kapag pumasok sa mundo ng showbiz.

7. Kendra, Scarlett, and Gavin

Photo credits: Instagram

Ang tatlong anak naman ng celebrity couple na sina Cheska Garcia at Doug Kramer na sina Kendra, Scarlett, at Gavin ay malaki rin ang future sa showbiz. Ngayon pa pang nga ay lumilikha na ng pangalan ang magkakapatid sa social media.

8. Alonzo Muhlach

Photo credits: Instagram

Ang anak ng aktor na si Niño Muhlach na si Alonzo ay tulad rin ng kanyang ama na maagang nagsimula sa showbiz. Marami nga ang tuwang-tuwa kay Alonzo dahil bukod sa taglay na kacutan, ay isa rin siyang bibong bata.

9. Maria Letizia Dantes

Photo credits: Instagram

Ang panganay na anak ng Kapuso Primetime Queen and King na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes, na si Maria Letizia o Zia, ay tiyak na pagkakaguluhan rin sa showbiz tulad ng kanyang inang si Marian. Makikita naman talaga sa 5 taong gilang na si Zia ang napakagandang mukha na animo’y kambal ng kanyang ina.

10. Scarlet Snow Belo

Photo credits: Instagram

Isa rin sa hinahangaang celebrity kids na talagang napakacute ay ang anak nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho na si Scarlet Snow Belo. Si Scarlet ay anim na taong gulang na ngayon, na bukod sa napakaganda ay isa ring matalino at talented na bata.

error: Content is protected !!